What's new

Closed Acer iconia a1-830 not charging

Status
Not open for further replies.

chisakotegawa

Enthusiast
Joined
Mar 21, 2018
Posts
3
Reaction
1
Points
63
Age
30
Pahelp po mga boss, kelangan ko lang po sa pagrereview.
Pinaayos na dati ng mga magulang ko, kaso wala ako noon samin nung nangyari yun.
Bali, napalitan na ang charging/connector pin. Ang sabi ni rekta raw?
Gumagana sya for 4-8 mos, pero pabalik balik, at lagi nila binabalik dun para maayos
Kaya pinatingin ko sa ibang paayusan, pinatignan ko kung nagana yung battery kung nakarga, kaya pinacharge ko ng direkta, tulad ng mga battery na chinacharge ng hiwalay, di ko maalala tawag at itsura mismo pag sa tablet e.
Gumana at bumukas naman yung tablet, pero kapag sa tablet ka mismo magccharge, di nagana. habang pinapalitan nila yung charging pin, ang sabi wala na daw "diode." yung pinagkakabitan nung copper wire ata, papunta sa pin.
Papatingnan ko sana sa Acer mismo, kaso tagal na netong wala sa warranty kaya di na raw nila support.

May alam ba kayo mga boss na paayusan neto na may kinalaman sa "diode" na sinabi ni kuyang nag ayos? Di ko na mabuksan ulet yung likod pero yung itsura e yung copper wire na mismo nilalapat dun sa pin kaya tyempuhan daw yung ayos.

Sensya na po kung magulo, di ako ganun kaalam sa mga phones at tablet.

Salamat Ka-PHC
 
Pwede parin yan dalhin sa Acer center paps, kaso di na libre paayos kase sabi mo wala nang warranty

I suspect nasira/naputol na yung linya patungo sa power circuit galing USB port kaya di mag charge sa port.

Kung totoo nga yung sinabi nila na wala nang diode, malamang may nagawang mali yung first technician na nag ayos nyan, kase pabalik balik na kayo
 
salamat paps, alam ko depende syempre sa sira kung magkano paayos. pero sa experience nyo o tingin nyo, mga price range ng paayos neto?
 
salamat paps, alam ko depende syempre sa sira kung magkano paayos. pero sa experience nyo o tingin nyo, mga price range ng paayos neto?
In my experience mga at least 800 kung board yung sira talaga (kasama na replacement board)
Kung may sira lang yung board, mga 300+ siguro depende sa kung ano ang nasira
Estimate lang yan paps depende na talaga yan sa technician

Advice ko pumunta ka muna sa official center tas mag tanong kung magkano kase they can't change the price for themselves, then compare mo sa local technicians kung san mas mura
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top