What's new

Ako at ang Ama ay iisa

Status
Not open for further replies.

Vanch1018

Eternal Poster
Joined
Feb 12, 2019
Posts
673
Reaction
289
Points
450
Ano nga ba ang ibig sabihin noong sinabi ng panginoong jesukristo na "Ako at ang Ama ay iisa"

Ang Dating Biblia (1905)
Juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.


Pagkatapos sabihin ito ni cristo gusto siyang batuhin ng mga hudio.

Jn.10:31 Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.

Sinabi ni jesus:

Jn.10:32 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?

Marami ikang mga mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
Nagsisagot ang mga hudio at sinabi:

Jn.10:33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.

Samakatuwid alam ng mga Hudio na mabuti ang mga gawa ng cristo pero hindi dahil ika sa mga mabubutimg gawa kaya binabato ng mga hudio ang panginoong jesukristo kundi ang sabi nila:

"kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios."

Sa pamumusong kaya gusto nilang batuhin ang panginoong jesukristo " sapagka't bagaman ika ikaw ay tao,nagpapakunwari kang Dios"

Sagot ng panginoong jesukristo:

Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?

Juan 10:36
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


Namumusong baga si cristo noong sabihing niyang "Ako at ang Ama ay iisa"gayong siya ang Anak ng Dios?bahagi siya ng Ama galing mismo sa kanyang sinapupunan,

Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

Juan 1:18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


Samakatuwid noong sabihin niyang "Ako at ang Ama ay iisa"pinakikilala niya ang kalagayan nilang Mag-Ama,na kung paanong Dios ang Ama siya man ay Dios din.itong pahiwatig na ito ang hindi matanggap ng mga hudio sa halip na tanggapin nila pinagbintangan pa siyang namumusong dahil magaman ika "ikaw ay tao,nagpapakunwari kang Dios"

Katunayan ng pagiging Dios ni kristo hinubad niya ito noong pumarito siya at nakitulad sa mga tao.

"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,"

"Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:"

Filipos 2:6-7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


Ang Ama mismo ang maysabi bilang Ama sa kanyang Anak:

"Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak?"

"At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios."

Hebreo 1:5-6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


Ang Ama mismo ang may sabi na sambahin ang Anak patunay na nasa kalagayang Dios ang cristo at wala sa kaninomang anghel kahit kay arkanghel miguel sinabi ng Dios kailanman,

"Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak?"

Ito pang isang katunayan na Dios si cristo

Heb. 1:8
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

Tungkol po sa Anak ano ang sabi ng Ama?"Ang iyong luklukan, Oh Dios".patungkol po sa Anak yong banggit na yan pero hindi ibig sabihin na kung nasa kalagayang Dios siya ay pantay na sila ng Ama sa kapangyarihan sapagkat sinabi ni kristo mismo na "ang Ama ay dakila kaysa sa akin"

"Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama:sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin."

Juan 14:28
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


Maliwanag na pagdating sa awtoridad at kapangyarihan mas dakila ang Ama kaysa sa Anak kaya noong sabihin ni san Pablo sa mga taga filipos,

"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,"

Pantay ang Ama at ang panginoong jesukristo sa kalagayan bilang Dios pero sa kapangyarihan maliwanag ang sabi ni cristo,

"sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin."

Ngunit sa kabila ng katotohanang ito hindi parin tinanggap ng sanglibutan at ng mga sariling kanya ang kalagayan niyang ito.

"Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya."

Juan 1:11
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

"At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa."

Juan 3:19
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top