What's new

Ang Kaisipan Nating Mga Tao Kung Minsan Ay Katawa-tawa

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Bakit nga ba tayong mga tao, gustong-gusto natin ang makipag-usap sa iba at makipagpalitan sa kanila ng iba't-ibang ideya?

Nandya'n ang mga taong relihiyoso na nagbabahagi ng kanilang mga paniniwala.
Nar'yan din ang mga taong nagnenegosyo at humihikayat sa mga taong bumili ng kanilang mga ibinebenta.
At nar'yan din ang mga taong walang paniniwala sa pag-iral ng Diyos at sa kaniyang salita, ang Bibliya.
At hindi mawawala ang mga taong nakikipag-usap lamang sa hangin na parang nakikipag-usap siya sa isang taong hindi natin nakikita.

May mga taong hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos. Nakikipag-argumento sila sa mga taong naniniwala sa isang nakatataas na Persona upang patunayan lamang sa kanilang sarili na ang pinaniniwalaang Diyos ng mga iyon ay malupit at hindi makatarungan.

May mga relihiyosong tao naman na kahit alam nilang hindi naman nakikinig at tumatanggap ang iba sa kanila ay patuloy pa rin sila na naghahayag ng mabuting balita.

Sa kabilang banda naman, may mga tao namang hindi naniniwala na umiiral ang Diyos at hindi naniniwala sa Bibliya, at nagsasabi pa nga na hindi makatarungan ang Diyos, ngunit ang tanong ay, paano nila nasasabing hindi makatarungan ang Diyos na ito na hindi naman nila pinapaniwalaang nag-eexist?

If God really doesn't exists, bakit handa nilang patunayan sa sarili nilang hindi nga umiiral ito? Kung ang isang bagay, lugar, pangalan o tao ay hindi talaga umiiral, anong pakinabang nito sa isang tao para pag-usapan pa? O sadyang sila din mismo ay hinahanap ang personang ito ngunit mas piniling huwag paniwalaan dahil mas gusto nilang mabuhay ng wala sa ilalim ng isang Diyos?

Handa mo bang patunayan ang isang hindi umiiral para sabihing hindi ito umiiral? Ngunit paano? Paano mo nga patutunayan kung hindi naman pala talaga nag-eexist?

Ang isang hindi umiiral ba ay mayroong pakinabang sa buhay natin sa paanuman?

O ang isang bagay ba na umiiral, gaya ng hangin na hindi natin nakikita, ang lubhang nakakaapekto sa atin kung kaya natin iyon pinagtatalunan at pinagdedebatihan?

Nakakatawa lang isipin na handa tayong makipag-argumento at makipagpalitan ng mga opinyon upang marahil sa paanuman ay patunayan sa ating sarili na ang Diyos ay hindi makatarungan ngunit hindi naman pala umiiral ayon sa ating paniniwala?

Nakakatawa nga kung gayon ang kaisipan nating mga tao!

Nangangatuwiran lamang tayong gaya ng mga bata sa harap ng Diyos ngunit hindi naman talaga nakakaunawa ng husto pagdating sa kaniyang mga pamantayan. Inihaharap natin ang Diyos sa ating sariling luklukan at hinahatulan natin siya batay sa pamantayan natin ng tama at ng mali.
 
May mga taong naniniwala na may diyos.. may mga taong di kumbinsido ng paniniwalang yon… ang nagsasabing may dios eh kailangang ijustify un… ang nagsasabi na wala eh kailangan din ijustify un.. ang kawalan ng paniniwala eh di need ng patunay… un na un eh… di ka lang naniniwala dahil walang proof or dahil di ka lang kumbinsido sa proof na ipinipresent
 

Similar threads

Back
Top