What's new

Angat Buhay Foundation posible ba na maging NPA 2.0

digitalz

Honorary Poster
Joined
Oct 23, 2016
Posts
417
Reaction
293
Points
247
Unang una gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ako bumoto kay BBM o LENI. ito ay opinyon ko lang.

Sa statement ni Leni tinatanggap nya ang mayorya pero parang hindi pa rin sila tapos at may binabalak pa against the new administration. (Marcos-Duterte)

Naisip ko lang mas malawak pa ang reach ng movement nito. Posible iconvert ang kakapinks to NPA or mas malala terrorist group na nagtatago sa programang Angat Buhay Foundation. Isang Non Government Organization.

Parang gumawa sila ng sarili nilang government na ang nakapwesto ay mga Liberal Party na alam naman natin against sa mga Marcoses. Suportado dyan ang mainstream media ang ilang corporate giants.

At gagamitin nila ang suporta ang mga kakapinks sa pangunguna ni Leni Robredo.

Sana nga lang ay hindi magamit yan para ulitin ang history. Mag aklas sa gobyerno at gagawa ng maraming ingay para magkaron ng maraming rebelde sa gobyerno.

Dahil kapag marami ng rebelde sa pamumuno ni Marcos Jr. hindi imposible mangyari ulit ang Martial Law 2.0

Opinyon ko lang ito at walang ebidensya. Hindi rin ito malisyosong topic, sinasabi ko lang kung ano ang nasa isip ko.

Pero kung ang foundation na yan ay makakatulong sa Pilipinas as a whole eh isa ako sa mga susuporta dyan.

Ang kailangan lang naman as pinoy maghilaan pataas. Kung makikita ko na positive ang Angat Buhay Foundation eh baka isa pa ako sa mag volunteer.

Feel free to comment kahit anong kulay ng binoto mo valid ang opinyon mo.

279414320_525553349176819_5382365342968057690_n.jpg
 

Attachments

Last edited:
In the long run after 6 years kung mas maraming palpak na gagawin ang Marcos-Duterte tandem malamang sa malamang eh maconvert yung mga BBM people to Liberal.

At tingin ko itong NGO na ito walang ibang gagawin kundi araw araw manira sa gobyerno.

Gaya na lang ng ginagawa ni Leni noong sya a bise presidente pa.

Pero kung ang Angat Buhay Foundation ay mas maraming nagagawang mabuting impact sa Pilipinas eh isa ako sa mga susuporta dyan.
 
Isipin mo na lang ts na parang dalawang branch yan ng fast food restaurants, na nagpapadamihan ng costumer. Competition is good naman as long as it is healthy. Kesa naman hayaan nating magaya sa internet tong gobyerno na kahit anong ihain napipilitan na lang I consume Kase no choice.
 
hayaan silang komontra basta wag lang gumawa ang admin ng ikaka lakas ng organization nila
 
kung mangyari man yan mas pabor pa ko na ipapatay yang mga rebelde, komunista at npa. sayang na nga bayad sa tax sakanilang scholar tas ganyan pa gagawin. kaya mas pabor ako sa mandatory rotc para masanay at matuto students eh. and if ever mapatunayan lang din na npa si angel locsin at ibang pang kasali sa NGO nila mas pabor din ako na ipapatay na lang yan. lahat ng peste at salot dapat talaga pinapatay basta mapatunayang peste sila ha
 
Hi. Gusto ko lang sbaihin na matagal na po ang Angat Buhay program. Now kung susukatin po natin ang nagawa nila, marami na po. Kung baga yung mangyayari sa July 1 is parang pag institutionalized lang nung programa ng OVP. Hindi naman po tayo sure kung ipagpapatuloy or bibigyang pansin mismo ng susunod na VP yung programang Angat Buhay kaya't gagawin na lamang nila itong NGO.

Kung sasabihin naman po nating na "maging NPA 2.0" ito, mali po iyon. Wala sa misyon ng Angat Buhay ang pagsapi sa NPA. Ang Angat Buhay NGO ay isang organisasyon na tutulong sa kapwa Pilipino na umangat ang buhay sa kahirapan. Ang misyon ng Angat Buhay ay iangat ang bawat Pamilyang Pilipino na nasa laylayan.

And also, iba po ang araw araw na naninira, sa pag puna sa mga mali/pagkukulang ng gobyerno. Bilang mamamayan, may karapatan tayong mag puna sa Gobyerno. Binoto natin sila para sa pwestong iyon, ang gusto lang natin ay magkaroon ng accountability ang bawat isang namumuno.

Also, wag silang matakot sa NGO ni VP Leni. 14 million lang naman kaming naniwala sa kanya. 31 million ang ang naniwala kay Marcos Jr. Si Jr. hawak ang gobyerno, kapulisan, mga sundalo. Samantang yung NGO puro volunteers lang. Chill lang hahahah
 
Nagrereklamo ang npa kay leni dahil hindi sila binigyan ni leni ng pondo noong kampanya. So this means nakipag alyansya na sya sa mga npa so magiging national security threat si leni at pweding mahulog sa incitation to sedition ang mga galaw nya
 
Hi. Gusto ko lang sbaihin na matagal na po ang Angat Buhay program. Now kung susukatin po natin ang nagawa nila, marami na po. Kung baga yung mangyayari sa July 1 is parang pag institutionalized lang nung programa ng OVP. Hindi naman po tayo sure kung ipagpapatuloy or bibigyang pansin mismo ng susunod na VP yung programang Angat Buhay kaya't gagawin na lamang nila itong NGO.

Kung sasabihin naman po nating na "maging NPA 2.0" ito, mali po iyon. Wala sa misyon ng Angat Buhay ang pagsapi sa NPA. Ang Angat Buhay NGO ay isang organisasyon na tutulong sa kapwa Pilipino na umangat ang buhay sa kahirapan. Ang misyon ng Angat Buhay ay iangat ang bawat Pamilyang Pilipino na nasa laylayan.

And also, iba po ang araw araw na naninira, sa pag puna sa mga mali/pagkukulang ng gobyerno. Bilang mamamayan, may karapatan tayong mag puna sa Gobyerno. Binoto natin sila para sa pwestong iyon, ang gusto lang natin ay magkaroon ng accountability ang bawat isang namumuno.

Also, wag silang matakot sa NGO ni VP Leni. 14 million lang naman kaming naniwala sa kanya. 31 million ang ang naniwala kay Marcos Jr. Si Jr. hawak ang gobyerno, kapulisan, mga sundalo. Samantang yung NGO puro volunteers lang. Chill lang hahahah
Alangan naman lantaran silang magsasabi na kakampi nila ang NPA common sense lang naman yan, siempre gagawa sila ng front na titulo kuno ng kanilang samahan, at tsaka may gobyerno na naman at may mga programa naman sigurong ilalabas ang gobyerno para sa mga pilipino para umangat ang pamumuhay, ngaun kalalabas lang na balita dinagdagan na yong sahod ng mga manggagawa
 
Paano mo nasabing NPA 2.0 ang angat buhay? anong ideological underpinnings ba ang kinauugatan nito at may arms struggle ba sa ipinanukala ni VP Leni?

DIba may dalawang bahagi ang lipunan: ang gobyerno at mga NGO? Ibig sabihin kapag NGO ay NPA agad? kaakibat sa kilusang makakaliwa?Hindi ito usapin ng commonsense dahil natural sa demokratikong bansa ang mga NGO kaakibat ng gobyerno na tumugon sa mga aspektong panlipunan ito at di iyan awtomatikong NPA o radikalisasyon.
 
Alangan naman lantaran silang magsasabi na kakampi nila ang NPA common sense lang naman yan, siempre gagawa sila ng front na titulo kuno ng kanilang samahan, at tsaka may gobyerno na naman at may mga programa naman sigurong ilalabas ang gobyerno para sa mga pilipino para umangat ang pamumuhay, ngaun kalalabas lang na balita dinagdagan na yong sahod ng mga manggagawa
Yes, may mga programa naman talaga gobyerno. Pero ask yourself, kaya bang solusyonan ng gobyerno ang kahirapan sa buong Pilipinas? Wouldn't it be great kung kaakibat ng Gobyerno ang isang NGO sa pagsugpo sa kahirapan?

And about sa NPA, hindi sila lalaban kung walang inhustisya na nangyayari. Bago natin sila sisihin kung bakit sila ganon sa gobyerno, alamin muna natin bakit nga ba sila ganon? Bakit sila nakikipag laban? Ano nga ba yung rason kung bakit sila nakikipag laban?

Darating tayo sa sagot na inhustisya at kahirapan. Once Ma solve o kaya nabawasan natin kahit papano ang kahirapan, mababawasan din yang mga NPA.
 
Matagal na ang Angat Buhay Program. SImula pa nung 2016 nung nanalo si VP Leni. Gagawin lang NGO sa July 1 dahil magiging sibilyan na lang siya. Maganda ang plano ng bise presidente dahil ipagpapatuloy niya ang pagsisilbi kahit wala na siya sa serbisyo. Huwag sana tayong magpakalat ng maling impormasyon.
 
magkakalaman dyan kung sino talaga ang tunay na magbibigay pansin o tutulong sa mga kapus palad, yun bang nakapwesto sa gobyerno o yung nasa NGO ... ? kaya wag mag alala yung 31M , kasama naman yata kayo sa tutulungan ng 14M na nakasuporta sa NGO kahit di kayo lumapit sa kanila... chill lang kungbaga,

kung mangyari man yan mas pabor pa ko na ipapatay yang mga rebelde, komunista at npa. sayang na nga bayad sa tax sakanilang scholar tas ganyan pa gagawin. kaya mas pabor ako sa mandatory rotc para masanay at matuto students eh. and if ever mapatunayan lang din na npa si angel locsin at ibang pang kasali sa NGO nila mas pabor din ako na ipapatay na lang yan. lahat ng peste at salot dapat talaga pinapatay basta mapatunayang peste sila ha
Parlade ikaw ba yan? 😂

@engrpams ,

payo ko lang sa iyo, or suggestion, dapat hindi ganito ang laman ng post mo, baka may masamang mangyari ke Angel Locsin ikaw ang maituro may kinalaman, just a friendly reminder lang naman,
 
Last edited:
Alangan naman lantaran silang magsasabi na kakampi nila ang NPA common sense lang naman yan, siempre gagawa sila ng front na titulo kuno ng kanilang samahan, at tsaka may gobyerno na naman at may mga programa naman sigurong ilalabas ang gobyerno para sa mga pilipino para umangat ang pamumuhay, ngaun kalalabas lang na balita dinagdagan na yong sahod ng mga manggagawa
Ano ba pruweba niyong myembro ng NPA mga supporters ni VP Leni? Seryosong tanong. 'Yung legitimate sana na proof.
 

Similar threads

Back
Top