What's new

Closed Annoying groupmates

Status
Not open for further replies.

dragit22

Eternal Poster
Joined
Apr 29, 2017
Posts
1,128
Reaction
338
Points
346
Kung kayo po nasa sitwasyon ko ano po bang gagawin niyo. Ganito kasi we're 10 members in a group then at first maayos ang daloy ng hatian ng gawain pero ngayon patapos na kame malapet mismo sa part na medyo mahirap na halos parang ako na lang yata ang gumagalaw. Ako na naghanap ng domain para sa website na gagawin ako na nagpublish ng mga HTML/CSS/JScript basta mga frameworks at ang malupet nasa akin talaga naka atas ang Database pero halos lahat yata nasakin. Kayo guys may mali ba ako or sila? Kasi yung iba nagalit bat ko naman daw kasi sinosolo lahat like wtf hindi ko naman yun sinosolo ang gusto ko lang matapos yung thesis kasi parating na ang immersion namin So please ano po mapapayo niyo sa akon!

Maraming salamat
 
Kung merong ganiyang problem, ibig sabihin walang tumatayong "leader" sa grupo niyo na dapat mag-assign ng tasks sa bawat isa.

Kung gusto niyo na merong ginagawa lahat, magtalaga kayo ng isang magmamando sa bawat isa, tsaka niyo hatiin ang gawain.

Doon naman po sa tanong niyo na kung kanino ang problema, some part kayo po may konting fault(konti lang naman :)) dahil parang tinatanggalan niyo sila ng karapatan na tumulong. Siguro po (assuming lang) na willing naman po silang tumulong.
Part din nila na kasalanan nila, kasi kung walang nag-uutos sa grupo niyo then lahat kayo may free will. Ang problema siguro wala silang initiative kaya puro kayo nalang ang gumagawa.

Try to distribute the work load lang po. Yun lang.
 
Last edited by a moderator:
mahirap talaga yan brow....ako ngang walang kaalam alam jan sa thesis nayan napupuyat dahil sa mga kaibigan ko ako ginagawang....tanungan hahaha...kaya nyu yan tulungan lang kayo.
 
Mag insist ka. Kausapin mo sila dahil para sa inyo naman yan. Hnd lng dapat ikaw ang gagawa. Pag tulong tulong mas madali at mas mabilis matapos. Gnun ang Groupings.
 
Kung merong ganiyang problem, ibig sabihin walang tumatayong "leader" sa grupo niyo na dapat mag-assign ng tasks sa bawat isa.

Kung gusto niyo na merong ginagawa lahat, magtalaga kayo ng isang magmamando sa bawat isa, tsaka niyo hatiin ang gawain.

Doon naman po sa tanong niyo na kung kanino ang problema, some part kayo po may konting fault(konti lang naman :)) dahil parang tinatanggalan niyo sila ng karapatan na tumulong. Siguro po (assuming lang) na willing naman po silang tumulong.
Part din nila na kasalanan nila, kasi kung walang nag-uutos sa grupo niyo then lahat kayo may free will. Ang problema siguro wala silang initiative kaya puro kayo nalang ang gumagawa.

Try to distribute the work load lang po. Yun lang.
Ayun nga po ang problema di ko po alam kung paano gagawin ko kasi wala talagang leader na naka assign, should i decide to be the spearhead of this group?
 
Last edited by a moderator:
gawin mo ang dapat kasi group grade yan.. bagsak ang isa bagsak lahat kayo.. palpak ng isa.. palpak lahat kayo
Ang unfair kasi sir, di naman sa nagmagaling wala kasi pong nagkusa sa amin kaya talagang pinursigi ko basta may paicheck kahit papano sa teacher ! Ang problema ko yung defense namin nakakabanas!
 
should i decide to be the spearhead of this group?
Go ahead po ts.
Total kung i-cocompare yung performance niyo sa groupmates niyo, kayo yung pinaka active.
Siguro naman deserve niyo maging leader ng group niyo.
Concern lang naman siguro nila e pabigat sila kasi wala silang naitutulong, at iyon ang dapat mong iwasan.
 
Ganyan talaga. Dyan masusubukan yung pagkakaibigan o pagsasama nyo. Dami nag aaway sa ganyan. Pero ano? Grades yan e. Masanay ka na sa ganyan. Sabihin mo na lqng sa mga kasama mo na tumulong din sila kahit papaano kasi mahirap pag ikaw lang mag isa gagawa.
 
TS Jan masusubukan kung ano talaga pagkatao mo sa thesis na yan, ingatan mo ang mga desisyon na tatahakin mo. Pwedeng masira ang pagkakaibigan ninyo sa thesis, for good or better much better i-motivate mo mga ka group mo na wag maging tamad kase grade din nila nakasalalay jan hindi lang grade mo.
 
dragit22, annoying sila, annoying ka rin sa kanila.
  • Pag.usapan niya po as group (act like men). Mahalaga po ito kaya maglaan po ng oras.
  • Iwasan ang post first talk later attitude ('yon bang post agad sa fb at nagpaparinig)
  • Kung feeling mong sinosolo mo ang gawain, akala mo lang 'yon. Don't stress about it, think of it as an opportunity to improve yourself, your patience, your perseverance, and the way you handle pressure
  • Be sensitive po sa groupmates niyo po, kasi may tinatago 'yan. Baka po kasi sumabog.
  • Be the change you want to see in them.
 
dragit22, annoying sila, annoying ka rin sa kanila.
Hindi po ako ganon tao yung pag may galit magpaparinig agad sa fb! Dito ko lang sinabe kasi di naman sila member dito! Siguro po talaga mali rin yung ginagawa ko pero in a way na makakatulong talaga sa thesis namen ang hirap kasi talaga. Ang maganda kasi noong una nakapaghatian kami ng gawain which is good kasi natapos ang ilang mga chapters pero di ko alam bat biglang nagkaroon ng walang pakielam sa thesis yun lang pinagtataka ko eh or sadyang madame lang talagang gawain kaya hindi nila napansin ito at ako na lang gumawa!
 
Hindi po ako ganon tao yung pag may galit magpaparinig agad sa fb! Dito ko lang sinabe kasi di naman sila member dito!
Good, pero in general po 'yan. Hindi ko po sinabing may gano'n ka pong attitude.
Siguro po talaga mali rin yung ginagawa ko
Pwede, siguro 'yong pagto.tolerate? 'Yong gagawin muna lang kasi needed na, tapos nasanay silang gano'n, hanggang ikaw na lang gumagawa. Tama ba?
 
Good, pero in general po 'yan. Hindi ko po sinabing may gano'n ka pong attitude.

Pwede, siguro 'yong pagto.tolerate? 'Yong gagawin muna lang kasi needed na, tapos nasanay silang gano'n, hanggang ikaw na lang gumagawa. Tama ba?
Hindi naman sa nasanay sila. Ang naisip ko lang talaga ay siguro ako lang nakapansin sa thesis namin yong that's why inako ko ung bagay na yon. Sa totoo lang po kasi di lang po ito yung thesis namin. Apat po thesis namin sa Media Literacy, Pananaliksik, Practical Research at sa Programming kaya talagang gahol kame sa mga gawain!
 
Mag meeting kayo, yung group nyo.

Pag agree sila mag meet, so lantad mo lahat ng kulang na hindi nila nagawa, tapos EMPHASIZE MO malapit na DEADLINE, sabihan mo kung kaya ba nila gawin mga assign sa kanila, kung UU sagot, bigyan mo ng deadline yung malayo pa sa deadline ng pagpasa, wag mo ipatulog. Kung d nila magawa sabihin mo na wag na mag insulto. BE RUDE! Wala kang makuha na cooperation sa ganyang mga klasing tao kung pa duwag duwag ka.. Pagsabihan mo, kung kaya mo gawin mag isa gawin mo nalang, d naman pala nila kaya nag agree pa sila.

Wag kana mag expect na ma ok yung samahan nyo after graduation, sa klase ng mga taong yan wala ka makukuha, sakit lng sa ulo. Mag voice out ka.

Kung d mo kaya tapos d rin sila gagawa, accept mo nlng na d ka gagraduate, tapos sabihin mo yan lahat sa instructor mo para kahit papano mabigyan ka ng consideration kung maawa sayo pede ka papasa, tapos wag kana magroup pa sa kanila next sem, hanap ka sa ibang groupo.

In short, wag kana mag expect sa mga taong yan, tapusin mo na lahat. Kung d mo matapos, sure ako d rin yan sila matatapos.

Yan ang mga cancer sa totoong buhay, gaya lng yan ng dota. Experience ko na yan ts, d lng isang beses.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top