What's new

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,214
Points
2,569
ANO ang tema ng pangangaral ni Jesus? Ayon mismo kay Jesus, iyon ay ang Kaharian ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tiyak na madalas na marinig sa kaniya ng mga tao ang Kahariang ito. Sila ba ay nalito o naguluhan? Tinanong ba nila siya kung ano ang Kaharian? Hindi. Walang binabanggit ang mga Ebanghelyo hinggil dito. Kung gayon, pamilyar ba ang mga taong iyon sa konsepto ng Kaharian ng Diyos?

Ang totoo, malinaw at espesipikong inilalarawan ng sinaunang Kasulatang itinuturing ng mga Judio na banal kung ano ang Kahariang iyon at kung ano ang isasakatuparan nito. Sa katulad na paraan, marami rin tayo ngayong matututuhan tungkol sa Kaharian sa pamamagitan ng Bibliya. Isaalang-alang natin ang pitong katotohanang itinuturo ng Bibliya hinggil sa Kaharian. Ang unang tatlo ay batid na ng mga Judio noong panahon ni Jesus o mas maaga pa rito. Ang kasunod na tatlo ay isiniwalat ni Kristo o ng kaniyang mga apostol noong unang siglo. At ang pampitong katotohanan ay naging malinaw sa ating panahon.

1. Ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na pamahalaan na mananatili magpakailanman. Ipinakikita ng unang hula ng Bibliya na magsusugo ang Diyos ng isang tagapagligtas sa tapat na sangkatauhan. Ang Isang ito, na tinatawag na “binhi,” ang papawi sa lahat ng problemang dulot ng paghihimagsik nina Adan, Eva, at Satanas. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pagkaraan ng mahabang panahon, binanggit sa tapat na si Haring David ang kapana-panabik na hula hinggil sa “binhi,” o Mesiyas. Ang Mesiyas na ito ang magiging hari ng isang Kaharian. Ang pamahalaang ito ay maiiba sa lahat ng iba pang gobyerno. Mananatili ito magpakailanman.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

2. Wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao. Nakita ni propeta Daniel sa isang pangitain ang sunud-sunod na mga kapangyarihang pandaigdig na iiral hanggang sa ating panahon. Pansinin ang kapana-panabik na kasukdulan ng pangitaing iyon: “Sa mga araw ng mga [huling taong] haring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.” Kaya lahat ng kaharian, o gobyerno rito sa lupa—pati na ang mga digmaan, paniniil, at katiwalian nito—ay mawawala magpakailanman. Gaya ng ipinakikita ng hula ni Daniel, malapit nang mamahala sa lupa ang Kaharian ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na gobyerno, at darating ang panahon na ito lamang ang mamamahala sa buong lupa.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

3. Wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang mga digmaan, sakit, taggutom, at maging ang kamatayan. Binabanggit ng kapana-panabik na mga hula sa Bibliya ang gagawin ng Kaharian ng Diyos sa lupa. Isasakatuparan nito ang hindi nagawa o magagawa ng anumang organisasyon ng tao. Isip-isipin mo—lahat ng sandata ng digmaan ay mawawala na magpakailanman! “Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Wala nang mga doktor, ospital, o kahit anong klaseng sakit. “Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mawawala na ang taggutom, kakapusan ng pagkain, at malnutrisyon. “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Wala na ring libing, burol, sementeryo, morge, at ang pamimighating dulot nito. Sa wakas, lulupigin ang kamatayan, ang ating walang-awang kaaway. “Lalamunin [ng Diyos] ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

4. Ang Diyos ang pumili ng Tagapamahala sa Kaharian ng Diyos. Hindi hinirang ng Mesiyas ang kaniyang sarili, ni pinili man siya ng di-sakdal na mga tao. Siya ay hinirang mismo ng Diyos na Jehova. Ipinahihiwatig ito ng kaniyang mga titulong Mesiyas at Kristo na parehong nangangahulugang “Isa na Pinahiran.” Kaya ang Haring ito ay hinirang, o itinalaga ni Jehova para sa pantanging atas. Ganito ang sinabi ng Diyos hinggil sa kaniya: “Narito! Ang aking lingkod, na inaalalayan kong mabuti! Ang aking pinili, na sinang-ayunan ng aking kaluluwa! Inilagay ko sa kaniya ang aking espiritu. Katarungan sa mga bansa ang itatanghal niya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May iba pa bang higit na nakaaalam kaysa sa ating Maylalang kung anong uri ng Tagapamahala ang kailangan natin?

5. Pinatunayan ng Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos na karapat-dapat siyang mamahala sa buong sangkatauhan. Napatunayang si Jesus ng Nazaret ang inihulang Mesiyas. Ipinanganak siya mula sa angkang pinili ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang nasa lupa si Jesus, tinupad niya ang maraming hula hinggil sa Mesiyas na isinulat daan-daang taon ang kaagahan. Nagbigay rin ang Diyos ng karagdagang patotoo na siya ang Mesiyas. Paano? Buweno, nagsalita ang Diyos buhat sa langit upang ipakilala na siya ang Kaniyang Anak. Bukod diyan, tinukoy ng mga anghel si Jesus bilang ang inihulang Mesiyas. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, gumawa si Jesus ng mga himala—madalas sa harap ng daan-daan o ng libu-libo pa ngang mga saksi.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Paulit-ulit na ipinakita ni Jesus kung anong uri siya ng Tagapamahala. Bukod sa may kapangyarihan siyang tulungan ang mga tao, gustung-gusto rin niyang gawin ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi siya makasarili, mahabagin siya, malakas ang loob, at mapagpakumbaba. Ang kaniyang buhay rito sa lupa ay iniulat sa Bibliya para mabasa ng lahat.

6. May 144,000 makakasama si Kristo bilang mga tagapamahala sa Kaharian ng Diyos. Sinabi ni Jesus na may iba pa, kabilang dito ang kaniyang mga apostol, na mamamahalang kasama niya sa langit. Tinawag niya ang grupong ito na “munting kawan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang maglaon, binanggit ni apostol Juan na ang kabuuang bilang ng munting kawang ito ay 144,000. Magkakaroon sila ng kapana-panabik na gawain sa langit—ang mamahala bilang mga hari at maglingkod bilang mga saserdote kasama ni Kristo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

7. Namamahala na ngayon sa langit ang Kaharian ng Diyos at handa na itong mamahala sa buong lupa. Ang huling katotohanang ito ang pinakakapana-panabik na matututuhan natin. Maraming ebidensiya sa Bibliya ang nagpapakita na pinagkalooban na si Jesus ng awtoridad bilang Hari sa langit. Namamahala na siya ngayon doon, at di-magtatagal, mamamahala na siya rito sa lupa at tutuparin ang kagila-gilalas na mga hulang tinalakay natin. Ngunit paano tayo makatitiyak na namamahala na ngayon ang Kaharian ng Diyos? At kailan ito magsisimulang mamahala sa buong lupa?
 

Attachments

Similar threads

Back
Top