What's new

Help Ano ang opinyon ninyo tungkol sa "Hide Reply [HIDEREPLY]" feature?

Draft

Administrator
Administrator
Hide BBCode Feature info: phcorner.net/p/13401348

Mga ilang linggo ko ng napansin na sobrang dami ng gumagamit nang medyo häçky combo sa Hide BBCode para i-require ang user na mag reply muna sa thread bago makita post.

Meron din akong mga nabasang feedback na mas pabor o gusto nila ng ganun kasi daw iwas hit-and-run. Mas masaya para sa mga TS at randam nilang buhay-na-buhay ang thread.

So kahapon... naisipan kong i-enable nalang ang [HIDEREPLY] option para mas mapadali ang pag post ng mga Tread Starters/TS. Pero may downside paring dulot ang feature na ito... SPAM replies specifically.

Comment nalang sa baba para sa inyong opinyon.
Maraming Salamat!
 
spam magnet tong gantong feature boss.. -_-
kung gusto man lang pala nang feedback nung thread starter,
hindi pa ba sapat yung react?
natatabunan na kasi yung mga post na relevant sa thread.
puro na lang thanks, support, etc.
kaya nawawalan ng quality yung thread.
yung iba naman, inaabuso ito para maging elite/contrib agad.
 
boss Draft for me malaking gamit yung QUOTE and maybe require certain number of characters para di ma spam pra lang may ma "comment". Kasi daming HIT & RUN lang kasi. Namamatay lang yung thread.
 
spam magnet tong gantong feature boss.. -_-
kung gusto man lang pala nang feedback nung thread starter,
hindi pa ba sapat yung react?
natatabunan na kasi yung mga post na relevant sa thread.
puro na lang thanks, support, etc.
kaya nawawalan ng quality yung thread.
yung iba naman, inaabuso ito para maging elite/contrib agad.
Agree ako dito parang masyado nang controlled. Mas okay padin genuine ang reply para di na sila mapipilitan nalang na magcomply para makita. Okay na siguro iyong hide react nalang or iba pang ways para maging engaging iyong thread para nadin sa ts.
 
Last edited:
Pabor din ako dyan boss draft. Mas maganda yan kasi magkukusa na lang sila mag reply para makita yung laman. Sana lang wag abusuhin lalo na spam ng mga walang kakwenta kwentang reply. 😅
 
Sir Draft aminidong gumagamit ako nan at isa sa mga nag pasimula.. very useful yung features para saming mga ts at sa mga leechers para mag rank up.. kaso ngalang madaming spam... May nag co-comment ng tuldok at kung ano-anong letter... Siguro sir need lagyan ng minimum 3-4 words o kaya sir enable nalang yung features sa mga piling forum kagaya ng "freemium" section o sa ibang forum na nag bibigay ng benefits kagaya ng mga "vpn" at "ehi" section at "media" section na din.. para Hindi ma abuse.. pero nasa inyo parin ang desisyon sir kung aallisin nyo.. salamat po...
 
Last edited:
Back
Top