What's new

Ano ang wastong bigkas sa pangalan ng Diyos?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914

Noong ikalawang kalahatian ng unang milenyo C.E., pinasimulan ng mga Judiong iskolar ang isang sistema ng paglalagay ng mga tuldok sa tekstong Hebreo na puro katinig upang kumatawan sa di-isinusulat na mga patinig. Ngunit pagdating sa pangalan ng Diyos, sa halip na ilakip ang wastong mga marka ng patinig para rito, ibang mga marka ng patinig ang inilagay nila upang ipaalaala sa mambabasa na ang dapat niyang sabihin ay ʼAdho·naiʹ (nangangahulugang “Soberanong Panginoon”) o ʼElo·himʹ (nangangahulugang “Diyos”).

Sa Codex Leningrad B 19A, ng ika-11 siglo C.E., ang Tetragrammaton ay nilagyan ng mga tuldok-patinig upang basahin ito bilang Yehwahʹ, Yehwihʹ, at Yeho·wahʹ. Sa edisyon naman ni Ginsburg ng tekstong Masoretiko, ang banal na pangalan ay nilagyan ng mga tuldok-patinig upang basahin bilang Yeho·wahʹ. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., tlb sa Rbi8) Karaniwan nang pinapaboran ng mga iskolar sa Hebreo ang “Yahweh” bilang ang pinakaposibleng bigkas. Itinatawag-pansin nila na ang pinaikling anyo ng pangalan ay Yah (Jah naman sa anyong Latin), gaya sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at sa pananalitang Ha·lelu-Yahʹ (nangangahulugang “Purihin ninyo si Jah!”). (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bukod diyan, ang mga anyong Yehohʹ, Yoh, Yah, at Yaʹhu, na matatagpuan sa Hebreong baybay ng mga pangalang Jehosapat, Josapat, Sepatias, at iba pa, ay pawang mahahalaw sa Yahweh. Waring ganito rin ang ipinahihiwatig ng mga transliterasyong Griego na itinumbas ng sinaunang mga manunulat na Kristiyano sa banal na pangalan, anupat gumamit sila ng mga baybay na gaya ng I·a·beʹ at I·a·ou·eʹ, na katunog ng Yahweh kung bibigkasin sa Griego. Gayunman, hindi lubusang nagkakaisa ang mga iskolar sa bagay na ito, anupat ang ilan ay pabor sa iba pang mga bigkas, gaya ng “Yahuwa,” “Yahuah,” o “Yehuah.”

Yamang hindi na posibleng matiyak ngayon kung ano ang bigkas sa pangalan, waring wala namang dahilan upang ihinto ang paggamit sa Tagalog ng kilalang-kilalang anyo na “Jehova” at sa halip ay gumamit ng iba pang iminumungkahing bigkas. Kung susundin ang gayong pagbabago, dapat din itong gawin sa napakaraming iba pang pangalan sa Kasulatan at baguhin ang baybay at bigkas ng mga ito: ang Jeremias ay magiging Yir·meyahʹ, ang Isaias ay magiging Yeshaʽ·yaʹhu, at ang Jesus ay magiging Yehoh·shuʹaʽ (gaya sa Hebreo) o I·e·sousʹ (gaya sa Griego). Ang layunin ng mga salita ay magtawid ng mga kaisipan; sa Tagalog, ipinakikilala ng pangalang Jehova ang tunay na Diyos, anupat sa ngayon ay mas lubusan nitong naitatawid ang kaisipang iyon kaysa sa alinman sa mga iminumungkahing panghalili.

Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos. Itinataguyod ng maraming makabagong iskolar at tagapagsalin ng Bibliya ang pagsunod sa tradisyon na alisin ang natatanging pangalan ng Diyos. Bukod sa iginigiit nila na makatuwirang alisin ito dahil hindi matiyak ang bigkas nito, sinasabi rin nila na dahil ang tunay na Diyos ay kataas-taasan at natatangi, hindi na niya kailangang magkaroon ng isang partikular na pangalan. Ang gayong pangmalas ay hindi sinusuportahan ng kinasihang Kasulatan, kapuwa ng mga aklat bago ang panahong Kristiyano o ng mga aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.

Sa tekstong Hebreo ng Biblia Hebraica at Biblia Hebraica Stuttgartensia, ang Tetragrammaton ay lumilitaw nang 6,828 beses. Ang Hebreong Kasulatan naman ng Bagong Sanlibutang Salin ay kababasahan ng banal na pangalan nang 6,973 beses, sapagkat isinaalang-alang ng mga tagapagsalin na ang banal na pangalan ay hinalinhan ng mga eskriba ng ʼAdho·naiʹ o ʼElo·himʹ sa ilang dako. (Tingnan ang apendise ng Rbi8, p. 1561, 1562.) Pinatototohanan ng mismong dami ng paglitaw ng pangalan na ito’y mahalaga sa Awtor ng Bibliya, na siyang nagtataglay ng pangalang iyon. Ginagamit iyon sa buong Kasulatan nang mas maraming beses kaysa sa alinman sa mga titulong ikinapit sa kaniya, gaya ng “Soberanong Panginoon” o “Diyos.”

Kapansin-pansin din ang importansiyang ibinibigay ng Hebreong Kasulatan at ng mga taong Semitiko sa mga pangalan. Sinabi ni Propesor G. T. Manley: “Isinisiwalat ng pagsusuri sa salitang ‘pangalan’ sa L[umang] T[ipan] na napakahalaga nito sa Hebreo. Ang pangalan ay hindi lamang isang katawagan, kundi tumutukoy rin sa tunay na personalidad niyaong nagtataglay nito. . . . Kapag inilagay ng isang tao ang kaniyang ‘pangalan’ sa isang bagay o sa ibang tao, ang huling nabanggit ay sumasailalim sa kaniyang impluwensiya at proteksiyon.”—New Bible Dictionary, inedit ni J. D. Douglas, 1985, p. 430; ihambing ang Everyman’s Talmud, ni A. Cohen, 1949, p. 24; You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Back
Top