What's new

Help Ano gawin pag nagka COVID?

kiemxian

Forum Veteran
Elite
Guys tulong po anong gawin pag nagka covid sa mga may experience dyan or yung alam lang kung anong gawin.

Nagka covid po ako noonh pumunta ako sa ospital kasi yung love ko nagka ulcer. Sinamahan ko ng 3 araw. Wlang tulog ako yung nag asekaso.

Noon umuwi na nag ka lagnat ako then after nahihilo or masakit yung ulo sunod naman mahina yung katawan tas masakit pa yung mga parte ng katawan like kamay at sa may paa. Di ko na rin na fefeel yung left ear ko ( search ko sa google "ear numbness daw" ) then ngayun wla na akong pang amoy at panlasa GG na. Dito ko na conclude na covid na dis.

So mga lodi ano pong gawin based lang sa inyong mga na rinig paano.

Wla pa ako sa ospital at ayoko sana kasi hirap may trabaho pa naman ako sa Aug 23.

So yun sa mga may suggest dyan salamat in advance 🤧
 
Lahat ng symptoms mo na yan kagaya sakin dati 4-5 members nang family namin ganyan symptoms kasama ako nakuha namin yun sa kapatid ko galing ng makati umuwi sa amin tapos linagnat siya ng 1 week pagkabalik ng makati kami naman linagnat ng 2 weeks pero ginawa namin sa bahay lang di kami lumabas inom lang kami gamot tapos pahid lang ng effisascent samin wala kaming pang amoy at pang lasa ng 2 weeks pero di kami nagpa hospital nun kasi alam namin covid sasabihin nila
 
Ginawa ko.
Uminom ng paracetamol
Uminom ng maraming tubig
Lola remedios sa maginhawa yung ubo
Tuob
Vitamin C

Hay takot rin ako kasi + may sakit pa sa puso kaya
Maya transfer na ako to ospital sabi nila
 
Pinsan konnag positive din pero hindi siya nawalan ng panlasa at pang amoy. Binigyan lang daw siya ng paraceramol at vitamins ng doctor tapos nag negative din siya. Depende siguro sa katawan kung ano mangyayari. Pwede mild or severe. Hindi pa nabakunahan pinsan ko.
 
Yung hubby ko nagkacovid same symptoms buti hindi kami nahawa lahat separate ako lahat nag asikaso kaya naging burden talaga pero ang ginawa niya nagpakulo ng isang kaldero ng tubig na may asin, lemon at vicks tapos nagkulob para yung usok ng pinagkuluan malanghap mo diretso sa baga twice a day until bumalik panlasa, then yung kapatid ko na nagpositive nadala sa hospital yan din ang payo ng nurses ako din nagasikaso kasi yung lahat ng kasama nya sa bahay quarantine hindi pinayagan makalabas, nagpadala ng kettle at asin, lemon yung doctor and very effective siya then yesterday meron na nmn ako kilala na ng positive yan din suggestion ko,, hoping gumaling kna🙂
 
Follow the isolation protocol lang lods. Madali lang naman magpagaling, it will just take time lang talaga. Literal na pahinga lang talaga yan, inuman mo na paracetamol kung nilalagnat ka, tas tama yang inom lang ng inom ng tubig. probably mga 1 week magaling kana nyan sa symptoms, pero hoping na mas mabilis pa sa 1 week yung recovery mo TS
 
Here are the steps , since I got someone close to me na nag ka COVID

1. Hwag ka mag panic, curable ang COVID and kayang kaya makalagpas sa COVID

2. I Isolate mo ang sarili mo para di ka na makahawa pa ng iba ( Dahil palakasan ng resistensya ang labanan sa COVID)

3. Observe the 14 days Quarantine Period

4. Sa first 5 - 10 days mo mararamdaman mo talaga ang panghihina, yan ang crucial stages and you need to equip yourself with more vitamins, (take ka ng Vit. C yung tig 1000mg Kirkland gawin mong 3x a day, ganyan ang ginawa namin sa kasama ko, sa mga mall may mga kiosk na nagbebenta nyan, if no choice ka take 2 tablets of 500mg Vit. C (Ritemed ) (3x a day)

5. Pag nararamdaman mong nahihirapan ka huminga, mag suob ka. and it really helps para umalwan ang paghinga mo, (tubig na may asin)

6. Once na makalagpas ka na sa stages ng panghihina, unti unti na lalakas ang immune system mo at makakabawi na ang resistance ng katawan mo against COVID then you'll recover

7. And most of ALL, PRAY!, you'll get through this Lods!

Get well soon!
Godspeed!
💪 💪 💪
 
Paracetamol every 4hrs, Vitamin C 2000mg per day, water therapy, magnesium 400mg at bed rest. Source ko bayaw kong internal med doctor.
 

Similar threads

Back
Top