Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga pagkaunawa ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos. Marami ang naniniwala sa Diyos, ngunit hindi alam kung ano ang hinahangad ng Diyos o kung ano ang hinahangad ni Satanas. Sila ay may kamangmangang naniniwala at pikit-matang sumusunod sa iba, at sa gayon ay hindi kailanman nagkaroon ng isang normal na buhay-Kristiyano; wala silang normal na pansariling mga relasyon, lalo na sa isang karaniwang relasyon na mayroon ang tao sa Diyos. Mula dito ay maaaring makita na marami ang mga problema at mga pagkakamali ng tao, at iba pang mga kadahilanan na maaaring humadlang sa kalooban ng Diyos. Ito ay sapat na upang patunayan na hindi itinakda ng tao ang kanyang sarili sa tamang landas o nakaranas ng tunay na buhay. Kaya ano itong pagtatakda sa tamang landas? Ang pagtatakda sa tamang landas ay nangangahulugan na maaari mong patahimikin ang iyong puso sa harap ng Diyos sa lahat ng oras at natural na makipagniig sa Diyos, unti-unting magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang kulang sa tao at dahan-dahang magkakamit ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa pamamagitan nito, araw-araw kang nagkakamit ng mga bagong pagmalas at kaliwanagan sa iyong espiritu; ang iyong pananabik ay lumalaki, at ikaw ay naghahangad na pumasok sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. May bagong liwanag at bagong pag-unawa sa bawat araw. Sa pamamagitan ng daan na ito, ikaw ay unti-unting makakawala sa impluwensya ni Satanas, at ang iyong buhay ay lumalago nang mas malaki. Ang isang tao na katulad nito ay nakatakda sa tamang landas. Tasahan ang iyong sariling aktwal na mga karanasan at suriin ang iyong dinadaanang landas sa iyong paniniwala sa Diyos laban sa mga nasa itaas. Isa ka bang nakatakda sa tamang landas? Sa anong mga bagay-bagay ka na nakawala sa mga kadena ni Satanas at mula sa kanyang impluwensya? Kung hindi mo pa naitakda ang iyong sarili sa tamang landas, kailangan pang maputol ang iyong pagkakaugnay kay Satanas. Dahil dito, ang paghangad ba na ito sa pag-ibig ng Diyos ay magreresulta sa isang pag-ibig na tunay, nakatuon, at dalisay? Sinasabi mo na ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay di-natitinag at taos-puso, ngunit hindi ka pa nakakawala sa mga kadena ni Satanas. Hindi mo ba ginagawang hangal ang Diyos? Kung nais mong matamo ang isang dalisay na pag-ibig para sa Diyos, maging ganap na makamit ng Diyos, at maging kabilang sa mga bayan na nasa kaharian, sa gayon ay kailangan mo munang itakda ang iyong sarili sa tamang landas.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
————————————————————————————————————————————
Magrekomenda nang higit pa: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. anumang oras!
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: