What's new

Apektado nito ang Pananaw Mo

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423

Kung ang pagtutuunan mo ng pansin ay kung ano LANG ang SA TINGIN MO ay PAGKUKULANG NG DIYOS, maaapektuhan nito ang pananaw mo sa Diyos, sa kaniyang mga pagkilos, at sa mga mabubuti niyang katangian na isinisiwalat sa Bibliya.​


Kahit anong katangian pa mayroon ang Diyos, kung sa PANINGIN MO at sa PAG-IISIP MO eh salungat ang mga ginagawa niya sa mga katangian Niya at sa kaniyang pagka-DIYOS o sa kaniyang pagiging banal, tiyak na hinding-hindi mo talaga mauunawaan kung anong uri ng Diyos ang Diyos ng Bibliya.

Ikatitisod mo lamang na malaman na nagsasalita, nag-iisip, nag-uutos, at kumikilos ang Diyos sa paraang hindi gaya ng iniisip mo na dapat gawin ng isang Diyos.

;)

Isaias 55:9 "Dahil kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa, Ang pamamaraan ko ay mas mataas kaysa sa pamamaraan ninyo At ang mga kaisipan ko kaysa sa mga kaisipan ninyo."​

 
Hindi ko siya kukwestyonin, kahit anong mangyari, siyang lumikha at may ari ng lahat ng bagay at ng buhay? Bat ko kukwestyunin , napaka perpekto ng pag iisip ng Dios lalo na ang kanyang kahatulan
 
Saka iba kasi ang paraan ng pagtingin ng tao, sa pagtingin ng Diyos.. ang tao ay tumitingin lamang sa kung ano ang nakikita ng kanyang mga mata pero ang Diyos ay tumitingin sa kung ano ang nasa puso.. sabi ng bibliya... kaya kung taimtim ka at may pagnanais na makilala sya at maging malapit sakanya.. nababasa nya ang puso ng isa at sya na mismo ang gagawa ng paraan para mailapit tayo sakanya at maunawaan hindi man lahat ang kanyang pamamaraan at kaisipan..
 
I can agree with some of the things that god says on the bible…

I can also disagree with some…

What kind of a person does that make me?
Hindi ako ang makapagsasabi kung anong uri ka ng tao, kundi si Jehovah at si Jesus lang mismo. 🙂

Pero para magkaroon ka ng ideya, puwede mong pag-isipan 'to.

Ang puso (o, pagkatao) ng isang tao ay nasisiwalat sa pamamagitan ng salita ng Diyos. (Hebreo 4:12)

Hebreo 4:12 Dahil ang salita ng Diyos ay buháy at malakas at mas matalas kaysa sa anumang espada na magkabila ang talim, at sa talas nito ay kaya nitong paghiwalayin ang panlabas at panloob na pagkatao, at ang mga kasukasuan at mga utak sa buto, at kaya nitong unawain ang mga kaisipan at intensiyon ng puso.

Ang isang taong may taimtim na pagnanais na makilala ang Diyos at gustong maglingkod talaga sa Kaniya ay kumikilala na ang kaisipan at mga pagkilos Niya ang mas nakatataas at mas makatuwiran kaysa sa atin. (Isaias 55:9)

Yan ang katotohanang nakasulat sa Bibliya.

May kapakumbabaan niyang kikilalanin at tatanggapin ang Bibliya bilang salita ng Diyos, hindi lang basta isang aklat.

1 Tesalonica 2:13 Kaya naman walang tigil naming pinasasalamatan ang Diyos, dahil nang marinig ninyo mula sa amin ang salita ng Diyos, tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng tao, kundi gaya ng kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos, na umiimpluwensiya sa inyo na mga mananampalataya.

At kapag hindi kaayon ng katuwiran niya ang katuwirang nakasulat sa Bibliya, mapagpakumbaba niyang tatanggapin na hindi ang kaisipan at katuwiran niya ang 'mas tama' bagkus ay may pagtitiwala niyang iisipin at tatanggapin na 'mas tama' ang katuwiran at pagkilos Diyos at nagtitiwala din siyang 'mas alam' niya ang lahat.

Ang totoo nya'n, hindi naman nangangahulugan ng pagiging mapaniwalain ang paniniwala sa Diyos at ang pagtitiwala sa kaniyang mga kaisipan at pagkilos. Hindi iyon basta 'magtiwala ka lang' o 'basta maniwala ka lang' dahil palagi namang may ibinibigay na tulong ang Diyos sa mga mapagpakumbabang humahanap sa kaniya.

Kawikaan 28:5 Hindi naiintindihan ng masasama kung ano ang katarungan, Pero nauunawaan ng mga humahanap kay Jehova ang lahat ng bagay.

(P.S. Hindi tumutukoy ang 'lahat ng bagay' sa lahat ng bagay na naiisip natin. Tumutukoy ang 'lahat ng bagay' sa mga bagay na kinakailangan para mapaglingkuran siya sa kaayaayang paraan.)
 
Last edited:
God is perfect wala siyang pagkukulang wag muna isipin kung meron man matitisod ka lang at kung meron man wala yun since siya ay perfect ikaw ay hindi perfect malaki ang chance mong magkamali
 

Similar threads

Back
Top