What's new

Bakit ang Mabubuting Tao ay Nagdurusa?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914
NOON ang taon ay 1914, at ang daigdig ay napasangkot na sa digmaan. Biglang-bigla, lumaganap ang tipos sa isang kampo ng mga preso sa digmaan sa Serbia. Subalit pasimula lamang iyon. Ang kinatatakutang sakit ay kumalat sa mga sibilyan at pumatay sa 150,000 sa loob lamang ng anim na buwan. Sa gitna ng mga kalagayan ng digmaan at ng rebolusyon na naganap sa Russia, tatlong milyon ang namatay sa tipos. Tama ang iyong panghihinuha na maraming mabubuting tao at pati kanilang naulilang mga miyembro ng pamilya ang kasali sa naging mga biktima.

Ito ay isa lamang halimbawa ng kasawiang dumarating sa tao. Ikaw mismo’y nakaranas marahil ng pagdurusang bunga pagka ang mga mahal sa buhay ay nagiging biktima ng mga sakit, aksidente, at sari-saring kalamidad. Malamang, ikaw ay napipighati pagka isang matuwid na tao ang dinapuan ng isang sakit na hindi na gagaling. Marahil ikaw ay lubhang nalulungkot pagka ang isang mabuting tao—kaypala ay isang masipag na ama ng tahanan—ay nasawi sa isang aksidente. Ikaw ay nalulungkot sa pagdadalamhati ng mga naulila.

Marami ang nag-iisip na ang isang taong gumagawa ng mabuti ay dapat huwag nang magdusa bilang isang kagantihan sa kaniya. Iniisip pa rin ng iba na ang pagdurusa ay patotoo na isang makasalanan ang biktima. Ganito ang pangangatuwiran ng tatlong lalaki na nabuhay mga 3,600 taon na ngayon ang lumipas. Sila’y nabuhay kasabay ng isang mabuting tao na nagngangalang Job. Balikan natin ang kanilang kaarawan habang ating hinahanap ang kasagutan sa tanong na, Bakit ang mabubuting tao ay nagdurusa?

Ang mga Pagdurusa ni Job

Nang si Job ay dalawin ng kaniyang tatlong ipinagpapalagay na mga kaibigan, siya’y dumaranas ng kirot at sakit na hindi mailarawan. Siya’y naulila sa kaniyang sampung anak at nawala ang lahat ng kaniyang materyal na mga ari-arian. Ang mga taong may malaking pagpapahalaga kay Job ay nasuklam sa kaniya. Maging ang kaniyang asawa ay lumayo sa kaniya at sinabihan siya na sumpain ang Diyos at mamatay na.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa loob ng pitong araw at gabi, ang mga panauhin ni Job ay walang imik na nagmasid sa kaniyang pagdurusa. Pagkatapos ay isa sa kanila ang nagbintang na siya’y gumawa ng masama kung kaya ipinagpapalagay na siya’y pinarurusahan. “Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo,” ang sabi ng lalaking si Eliphaz: “Sino ba ang namatay na walang kasalanan? At saan pumanaw ang mga matuwid? Ayon sa aking nakita, yaong nagpapanukala ng masama at yaong naghahasik ng kaguluhan ang mag-aani niyaon. Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos sila pumapanaw, at sa pamamagitan ng bugso ng kaniyang galit sila’y nalilipol.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kaya, ipinagpalagay ni Eliphaz na pinarurusahan ng Diyos si Job dahil sa kaniyang mga kasalanan. Sa ngayon, ikinakatuwiran din ng iba na ang mga kalamidad ay mga gawa ng Diyos sa layunin na parusahan ang mga tao sa paggawa ng masama. Subalit hindi pinarusahan ni Jehova si Job dahil sa masasamang gawa. Alam natin ito sapagkat nang maglaon ay sinabi ng Diyos kay Eliphaz: “Ang aking poot ay nag-aalab laban sa iyo at sa iyong dalawang kasama, sapagkat hindi kayo nagsalita tungkol sa akin ng bagay na totoo, di-gaya ng aking lingkod na si Job.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi Kasalanan ng Diyos

Sa ngayon, milyun-milyon—kasali na rin ang maraming mabubuting tao—ang lubhang naghihikahos at nasa bingit na ng kagutuman. Ang iba ay sumásamâ ang loob at sinisisi ang Diyos sa kanilang pagdurusa. Subalit hindi maisisisi sa kaniya ang taggutom. Sa katunayan, Siya ang nagbibigay ng pagkain sa sangkatauhan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Dahilan sa kaimbutan, kasakiman, at iba pang mga sanhi na likha ng tao ay maaaring nahahadlangan ang paghahatid ng pagkain sa nagugutom. Ang digmaan ay isa sa mga sanhi ng taggutom. Halimbawa, sinasabi ng The World Book Encyclopedia: “Ang digmaan ay maaaring magbunga ng taggutom kung maraming magsasaka ang aalis sa kanilang mga bukid at magsusundalo. Kung minsan, ang isang hukbo ay kusang lumilikha ng taggutom upang gutumin ang kaaway para sumuko. Ang nakaimbak na pagkain at lumalaking mga pananim ay sinisira ng hukbo at naglalagay ng mga barikada upang maputol ang panustos na pagkain ng kaaway. Dahilan sa mga barikada ay nahadlangan ang kargadang mga pagkain at hindi nakarating sa rehiyon ng Biafra noong panahon ng Gera Sibil sa Nigeria (1967-70). Taggutom ang naging resulta, at mahigit na isang milyong taga-Biafra ang marahil nangagutom.”

Maling sinisi ng iba ang Diyos noong Digmaang Pandaigdig II, nang maraming mabubuting tao ang nagdusa at namatay. Subalit, ang mga tao ang sumisira sa batas ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakapootan at pagdirigmaan. Nang tanungin si Jesu-Kristo kung aling utos ang “unang-una sa lahat,” siya’y sumagot: “Ang una ay, ‘Pakinggan mo, Oh Israel, si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova, at iibigin mo si Jehova mong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong isip mo at nang buong lakas mo.’ Ang pangalawa ay ito, ‘Ang iyong kapuwa ay iibigin mo na gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pagka sinira ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng lansakang pagpapatayan, siya ba’y matuwid na masisisi ng sinuman kung ang bunga niyaon ay pagdurusa? Kung ang isang magulang ay sinabihan ang kaniyang mga anak na huwag mag-away at hindi nila pinansin ang kaniyang mabuting payo, siya ba ang masisisi kung sila’y mapinsala? Ang magulang ay hindi masisisi gaya rin ng Diyos na hindi masisisi sa pagdurusa ng tao pagka hindi sinunod ng mga tao ang kaniyang banal na mga kautusan.

Bagaman pagdurusa ang maaaring ibunga pagka hindi sinunod ang mga kautusan ni Jehova, hindi ipinakikita ng Bibliya na ang mga kapahamakan pangkaraniwan na ay mga gawa ng Diyos upang parusahan ang mga balakyot. Nang magkasala ang unang mag-asawa, kanilang iniwala ang kaniyang pantanging pagpapala at proteksiyon. Maliban sa mga kaso ng pakikialam upang matupad ang mga layunin ni Jehova, ang nangyayari sa sangkatauhan sa araw-araw ay batay sa simulaing ito ng Kasulatan: “Hindi ang matutulin ang nananalo sa takbuhan, ni ang malalakas man ang sa pagbabaka, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong may unawa, ni ang mga paglingap man ay yaong mga may kaalaman; sapagkat ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay dumarating sa kanilang lahat.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kapuwa ang Mabuti at ang Masama ay Nagdurusa

Sa totoo, kapuwa ang mabubuti at masasamang tao ay nagdurusa dahilan sa minanang kasalanan at di-kasakdalan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Halimbawa, ang matuwid at ang balakyot na mga tao ay kapuwa dumaranas ng makirot na mga sakit. Ang tapat na Kristiyanong si Timoteo ay dumanas “nang malimit na pagkakasakit.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang banggitin ni apostol Pablo ang kaniyang sariling “tinik sa laman,” marahil isang karamdaman sa katawan ang kaniyang tinutukoy. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kahit na sa kaniyang tapat na mga lingkod, hindi inaalis ngayon ng Diyos ang minanang mga kahinaan o posibilidad na magkasakit.

Ang maka-Diyos na mga tao ay maaari ring nagdurusa dahilan sa hindi mabuting pagpapasiya o hindi pagkakapit kung minsan ng payo ng Kasulatan. Halimbawa: Ang isang sumusuway sa Diyos at nag-aasawa ng di-kapananampalataya ay maaaring dumanas ng mga suliranin sa pag-aasawa na kung di-gayon ay naiwasan sana niya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung ang isang Kristiyano ay hindi kumakain ng tamang pagkain at hindi namamahinga nang sapat, siya’y maaaring magdusa dahilan sa pagpapariwara sa kaniyang kalusugan.

Sakit ng damdamin ang maaaring ibunga kung tayo’y padadala sa kahinaan at mahuhulog sa masamang asal. Ang pangangalunya ni Haring David kay Bath-sheba ay nagdulot sa kaniya ng malaking pagdurusa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Samantalang sinisikap na maituwid ang kaniyang pagkakasala, siya’y dumanas nang matinding pagkabahala. “Nang ako’y tumahimik,” aniya, “nanlumo ang aking mga buto dahil sa aking pagdaing buong araw. . . . Ang lamig ng aking katawan ay naging mistulang katuyuan ng tag-init.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil sa pagdadalamhati sa kaniyang nagawang kasalanan ay pumanaw ang sigla ni David na gaya ng isang punungkahoy na natuyuan ng lamig na nagbibigay-buhay sa panahon ng tagtuyot o sa katuyuan ng tag-init. Marahil siya ay nagdusa at naapektuhan ang kaniyang isip at katawan. Subalit ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagpapakita na malulunasan ang gayong pagdurusa sa pamamagitan ng pagsisisi at pagtatapat ng kasalanan ng isang tao at pagtanggap ng kapatawaran sa Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kadalasan ang masasamang tao ay nagdurusa dahilan sa mahalay na pamumuhay, hindi dahil sa pinarurusahan sila ng Diyos. Si Herodes na Dakila ay hindi mawalan ng sakit dahilan sa kaniyang masasamang bisyo. Sa kaniyang mga huling araw, si Herodes ay “dumanas ng kakila-kilabot na mga paghihirap,” sabi ng Judiong historyador na si Josephus. “Matindi ang kagustuhan niyang laging magkamot ng kaniyang katawan, ang kaniyang bituka ay tadtad ng nagnanaknak na mga sugat, at ang kaniyang maseselan na bahagi ay may ganggrena at mga uod. Siya’y nabigo sa kaniyang pagsisikap na maginhawahan sa paninikip ng kaniyang hininga at sa mga pangingisay sa paliligo sa maiinit na bukal sa Callirrhoe. . . . Si Herodes ay dumaranas ngayon ng gayon na lamang kakila-kilabot na paghihirap kung kaya sinubukan niya na saksakin ang sarili, subalit hinadlangan ng kaniyang pinsan.”—Josephus: The Essential Writings, isinalin at isinaayos ni Paul L. Maier.

Ang pagsunod sa kautusan ng Diyos ay nagbibigay ng ilang proteksiyon laban sa mga bagay na gaya ng mga sakit na napapasalin sa pamamagitan ng seksuwal na pagtatalik. Subalit, bakit ang mabubuting tao na naghahangad magkamit ng kaniyang lingap ay waring tumatanggap ng higit na pagdurusa?

Kung Bakit Nagdurusa ang mga Taong Maka-Diyos

Ang isang pangunahing dahilan kung bakit nagdurusa ang maka-Diyos na mga tao ay sapagkat sila’y matuwid. Ang isang halimbawa nito ay si Jose na anak ng patriyarkang si Jacob. Bagaman patuloy na hinimok si Jose ng asawa ni Potiphar upang makipagtalik sa kaniya, ang tanong niya (ni Jose): “Papaano ko magagawa ang malaking kasamaang ito at tunay na magkasala sa Diyos?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ito’y humantong sa walang katarungang pagkabilanggo, at si Jose ay nagdusa dahil sa siya’y matuwid.

Ngunit bakit pinapayagan ng Diyos na ang kaniyang tapat na mga lingkod ay magdusa? Ang sagot ay nasa isang isyu na ibinangon ng mapaghimagsik na anghel na si Satanas na Diyablo. Kasangkot sa isyung ito ang katapatan sa Diyos. Papaano natin nalalaman? Sapagkat ito’y ipinakita sa halimbawa ng matuwid na taong si Job, na binanggit na.

Sa isang pagtitipon ng mga anghel na mga anak ng Diyos sa langit, tinanong ni Jehova si Satanas: “Iyo bang pinagbuhusan ng pansin ang aking lingkod na si Job, na walang gaya niya sa lupa, isang lalaking walang kapintasan at matuwid, na natatakot sa Diyos at humihiwalay sa kasamaan?” Ang tugon ng Diyablo ay nagpapatunay na may isyu tungkol sa kung ang mga tao ay mananatiling tapat kay Jehova sa ilalim ng pagsubok. Binanggit ni Satanas na si Job ay naglilingkod sa Diyos dahilan sa tinatamasang materyal na mga pagpapala at hindi dahil sa pag-ibig. Pagkatapos ay sinabi ni Satanas: “Para mapaiba naman, pakisuyong iunat mo ang iyong kamay at galawin ang lahat na taglay niya [ni Job] at tingnan mo kung hindi ka niya itatakwil nang mukhaan.” Tumugon si Jehova: “Narito! Lahat ng mayroon siya ay nasa iyong kamay. Siya lamang ang huwag mong pagbubuhatan ng iyong kamay!”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa kabila ng lahat na maaaring gawin ni Satanas, si Job ay nanatiling tapat at nagpatunay na siya’y naglilingkod kay Jehova ng dahil sa pag-ibig. Oo, sinabi ni Job sa mga nagpaparatang sa kaniya: “Hindi man lamang sumasagi sa aking isip na kayong mga tao ang aariin kong matuwid! Hanggang sa ako’y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat!” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, ang ganiyang mga nananatili sa katapatan ay laging handang magdusa alang-alang sa matuwid. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang Bibliya ay naglalahad ng marami na may walang pagmamaliw ang pag-ibig sa Diyos at namuhay sa katuwiran upang parangalan siya at patunayang sinungaling si Satanas sa pag-aangkin na kaniyang maitatalikod kay Jehova ang lahat ng tao. Bawat nagdurusa dahilan sa pananatiling tapat sa Diyos ay magagalak sa dahilan na kaniyang pinatutunayan na sinungaling ang Diyablo at pinagagalak ang puso ni Jehova.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang Diyos ay may pagkabahala tungkol sa pagdurusa ng kaniyang tapat na mga lingkod. Sinabi ng salmistang si David: “Inaalalayan ni Jehova ang lahat ng nabubuwal, at itinatayo ang lahat ng nasusubasob.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Yaong mga nag-alay kay Jehova ay maaaring kulang ng sariling lakas upang batahin ang mga pagdurusa sa buhay at ang pag-uusig na kanilang dinaranas bilang kaniyang bayan. Subalit pinalalakas at inaalalayan sila ng Diyos at pinagkakalooban sila ng karunungan na kailangan upang matiis ang lahat ng mga pagsubok sa kanila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung sakaling patayin ng mga mang-uusig ang ilan sa tapat na mga lingkod ni Jehova, taglay nila ang bigay-Diyos na pag-asa ng pagkabuhay-muli. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kahit na umabot sa ganiyang sukdulan, maaaring baligtarin ng Diyos ang mga epekto ng anumang pagdurusang dinanas ng mga umiibig sa kaniya. Kaniyang tinapos ang pagdurusa ni Job at saganang pinagpala ang matuwid na taong iyon. At tayo’y makapagtitiwala na hindi pababayaan ni Jehova ang kaniyang bayan sa kaarawan natin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Di na Magtatagal—Mawawala Na ang Pagdurusa!

Kung gayon, lahat ay dumaranas ng pagdurusa dahilan sa minanang di-kasakdalan at sa pamumuhay sa gitna ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay. Ang mga taong maka-Diyos ay makaaasa ring magdurusa dahilan sa pananatiling tapat kay Jehova. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit sila’y maaaring magalak sapagkat di na magtatagal at wawakasan ng Diyos ang pagluha, kamatayan, pamimighati, pananambitan, at sakit. Sa bagay na ito, si apostol Juan ay sumulat:

“Nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay naparam, at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos at nahahandang gaya ng isang nobya na nagagayakan para sa kaniyang asawa. Kasabay na narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: ‘Narito! Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at siya’y mananahan na kasama nila, at sila’y magiging kaniyang bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng panambitan man o ng hirap pa man. Ang dating mga bagay ay naparam na.’ At ang Isang nakaupo sa trono ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At, sinasabi niya: ‘Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’ ”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Gayundin, si apostol Pedro ay nagsabi: “Mga bagong langit at isang bagong lupa ang hinihintay natin ayon sa pangako niya [ni Jehovang Diyos], at sa mga ito’y tatahan ang katuwiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Anong pagkadaki-dakilang pag-asa ang tanaw na tanaw na! Ang buhay sa isang paraiso ang maaaring maging iyong maligayang pribilehiyo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon, huwag tulutang pighatiin ka ng kasalukuyang pagdurusa. Sa halip, malasin ang hinaharap na taglay ang maligayang pag-asa. Ilagak ang iyong pag-asa at pagtitiwala sa bagong sanlibutan ng Diyos na lubhang kaylapit-lapit na. Mamuhay na may pagsang-ayon ng Diyos na Jehova, at ikaw ay maaaring mabuhay nang walang-hanggan sa isang sanlibutang walang anumang pagdurusa.
 

Similar threads

Back
Top