What's new

Bakit Hindi ka pa Vaccinated?

Guys, simple discussion lang,, Mga dahilan nyo bakit hindi ka pa Vaccinated?
Ako, nag hihintay lang ako na mag karoon ng brand na gusto ko.

Please keep this thread as friendly as possible and respect others opinion. Vaccinated are also welcome here.
 
Karamihan sa mga hindi bakunado ay mga religious pinaglalaban nila ang kanilang faith by GOD at sinusunod ang biblical words.
Hindi naman talaga 100 percent population natin ang magiging vaccinated. Pag kaka intindi ko, Yung target lang ng Government ang gusto nila maging 100 percent vaccinated which is less than 100 percent of tatol population, not sure po.. Expected na talaga na may hindi mababakunahan dahil sa paniniwala at ginagalang din natin. Ako alangan din dati.
 
Last edited:
Kaya pala sila proud. Meron ako naka encounter na proud siya na hindi siya vaccinated. Super niya happy. Mga unvaccinated people lang raw ang walang mark of the beast at it seems ipinapalabas na meron hope makarating in heaven ang mga tao hindi vaccinated sapagkat sila raw ang dinidiscriminate while ang mga tao na nagpa vaccine ay natatakan na daw ng mark of the beast na 666. So biglang pumasok sa isip ko ang mga kamag anak ko na vaccinated at ang best friend ko na vaccinated na kapag namatay sila, diretso hell na sila agad? Kahit ilan beses sila magsimba, if they die, diretso hell na agad sila. Well, iyon ang ipinalabas niya kaya siya happy na hindi daw siya vaccinated.

Sa loob-loob ko, parang unfair. Or isip ko lang iyon. Kapag nagkaganun kase, half of the population ay wala ng nakarating in heaven. Ano ba ginawa ni God para ma saved ang mga tao? It seems na hinayaan niya ang mga ito na mapunta lahat ang mga tao sa hell. Ang akala ko na ang God ay gusto niya e saved ang buong sanlibutan? Pagkatapos biglang majority of the people ay diretso sa hell dahil lamang tinurukan sila ng vaccine. Akin lang naman iyon.

It seems na nakikita ko na kahit mamatay sila sa disease ng variant or covid ay okay lang basta iaalay nila ang life nila kay God dahil wala silang tatak na 666. Ganun. Okay lang din na magkahawaan sila because parang blessed in disguise na kapag namatay sila lahat sa disease, diretso in heaven naman sila sapagkat wala silang vaccine or ano man mark of the beast sa kanilang katawan.
 
Last edited:
Hindi naman talaga 100 percent population natin ang magiging vaccinated. Pag kaka intindi ko, Yung target lang ng Government ang gusto nila maging 100 percent vaccinated which is less than 100 percent of tatol population, na sure po.. Expected na talaga na may hindi mababakunahan dahil sa paniniwala at ginagalang din natin. Ako alangan din dati.
Kaya nga eh sabi nga ng mga kilala kong born again kahit buhay pa ang kapalit mas gugustuhin pa nila mamatay ng walang vaccine kasi sa rapture mas lalong paghihirapan nila kung mag papa vaccine sila, kaya nga may lumalabas na ngayun no vaccine exemption card kasi may karapatan naman talaga sila mabuhay kahit wala sila vaccine, ang kinakatakot kasi nila baka yan na yung mark of the beast 666 hindi man literal na tatak pero sa ibang way naman ginawa, kahit nga yung national ID ayaw din nila kumuha kasi wala ka na rawdaw kalaayaan kapag ganun monitor nila lahat ng galaw mo dito sa mundo lahat ng Identity mo alam nila.
 
Nagpapasalamat ako at umalis na ako sa relihiyon. Nasa non religion sect na ako or else na kapag hindi ako umalis, sus me, puros fear ako ng fear at minsan, ang fear na iyan ay meron negative effect. Magiging katulad ko din sila mag-isip about 666 ang vaccine.

Tipong hindrance to human development at creativity ang mga ganyan religious beliefs kaya pagdating sa role in economic and technological development ay bagsak or if hindi bagsak, mababa or taghirap ang isang bansa.

Di nga.

Naalala ko ang survey na mas prosperous at mayaman na bansa ang nasa non-religious country kaysa religious na bansa.

Hindi ko rin masisi ang ibang Atheist dahil siguro punding-punding na sa kung ano-anong beliefs ng mga religious people. E ang mga Atheist is rational mag-isip iyan.

Kung naaalala niyo, si Rodrigo Duterte ang ka una unahan Deist sa bansang Pilipinas. Ang ibig sabihin ay meron God si Duterte pero walang relihiyon, e since, Deist siya, meron din ako nakita-kita on YøùTùbé na keyso mark of the beast naman daw si Duterte.

Sa loob-loob ko na ganun ba iyon? Porke meron tumayo na presidente na nasa non religion sect ay consider mark of the beast na dahil walang relihiyon or walang inaaniban na relihiyon?

Mga tao talaga ay ganun mag-isip. Hindi rin nakakapagtaka kase dahil ang bansa natin is religious country tayo so given na iyon.

Katulad ni Noynoy Aquino na naging presidente dati. Naalala ko na medio confuse siya kapag nag ru rule. Pansin ko lang dahil pagdating sa pamamahala, it is either susundin niya ang moral values na natutunan niya as a Catholic or being objective ay gawin niya ang dapat na nararapat gawin kahit mistulang masasagasaan ang moral values na natutunan nito as Catholic.

So for me na kapag meron religious na religious na tao na tatakbo bilang presidente, huwag niyo na botohin. Baka lalo maghirap ang bansang Pilipinas dahil baka puros sa kanya ay it is a sin from God. Haha 😂 Joke.

Siguro naman walang tatakbo na ganun presidente na religious diba? Kung meron man, hindi siya mananalo. Feeling ko lang.
 
Last edited:
Nagpag iiwanan kana hahaha 85% ng tao sa metro manila ay fully vaccinated na. This means maluwag na sa mga vaccination site at pwede na kayong mamimili ng vaccine ang target nman ng metro manila lgu ay mga 17 pababa pfizer vaccine lang daw ang ituturok sa kanila. Tignan mo ng result ng vaccine bumaba ang cases sa metro manila. Kasi 85% na ang vaccinated kaya magpa vaccine kana
tama, dahil narin sa mass vaccination kaunti nalang ng na hospitalized, mismong octa research na nagsabi na pababa na yung infection rate.

Kaya nga eh sabi nga ng mga kilala kong born again kahit buhay pa ang kapalit mas gugustuhin pa nila mamatay ng walang vaccine kasi sa rapture mas lalong paghihirapan nila kung mag papa vaccine sila, kaya nga may lumalabas na ngayun no vaccine exemption card kasi may karapatan naman talaga sila mabuhay kahit wala sila vaccine, ang kinakatakot kasi nila baka yan na yung mark of the beast 666 hindi man literal na tatak pero sa ibang way naman ginawa, kahit nga yung national ID ayaw din nila kumuha kasi wala ka na rawdaw kalaayaan kapag ganun monitor nila lahat ng galaw mo dito sa mundo lahat ng Identity mo alam nila.
madami yan dito sa palawan, sangdamak.mak yung mga sekta dito daig pa INC dito.
 
Maganda balita. Babalik na daw tayo sa normal. Hindi na kagaano kalala ang covid. Sa UK daw ay tinanggal na ang restriction. Magpasalamat tayo sa vaccine. I mean para sa akin lang naman dahil nakikita ko siya sa mata na according sa NEWS, hindi na katulad ng dati. Though meron covid cases, mas malala noon na hindi pa nagkakaroon ng vaccine kaysa ngayon.
 
Sana bumalik na tayo sa normal. Tingnan natin after election..Nung malayo pa pasko, sabi nila baba daw sa pasko, sakto bumaba nga, medyo di lang ako sure kung tlagang bubaba or kailangan lang para sa ekonimya kaya nag bukas, then sabi mga feb. baba daw, aba bumaba nga, or baka kelangan mag luwag kasi campaign period? baka after ng election dumami, dahilan naman dahil sa dagsa ng tao sa eleksyon. Yung isa pa, yung gagawing compulsory daw yung booster, ewan.
 
Sana bumalik na tayo sa normal. Tingnan natin after election..Nung malayo pa pasko, sabi nila baba daw sa pasko, sakto bumaba nga, medyo di lang ako sure kung tlagang bubaba or kailangan lang para sa ekonimya kaya nag bukas, then sabi mga feb. baba daw, aba bumaba nga, or baka kelangan mag luwag kasi campaign period? baka after ng election dumami, dahilan naman dahil sa dagsa ng tao sa eleksyon. Yung isa pa, yung gagawing compulsory daw yung booster, ewan.
expected na yan bababa dahil malapit na ang election at tataas pagkatapos. Pinagkakaperahan na ang pandemic eh mula sa bakuna hanggang sa mga faceshields
 
Back
Top