What's new

Trivia Bible Verses Explained | Genesis 1:1

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423

Genesis 1:1 - Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.

Kahulugan ng mga Salita

Nang pasimula | Sa Heb., Bereʼ·shith. Ang pangalang ibinigay sa unang aklat ng Bibliya ay kinuha sa unang salita sa pambungad na pananalitang ito sa Hebreo.

Diyos | Sa Heb., אֱלֹהִים (ʼElo·himʹ), walang pamanggit na pantukoy (definite article). ʼElo·himʹ, ang “Diyos,” na may pamanggit na pantukoy ay unang masusumpungan sa 5:22. Ang titulong ʼElo·himʹ ay nasa anyong pangmaramihan (pl.) ay nagpapahiwatig ng kadakilaan o karingalan at hindi ng maraming personalidad o maraming diyos. Gr., ὁ θεός (ho The·osʹ), nasa anyong pang-isahan (sing.) upang ipakilala na ito ay isang "Diyos". Ihambing sa Huk. 16:23 tlb.

Gabay sa Pag-aaral

| Hindi binabanggit sa Bibliya kung gaano katagal nilalang ang mabituing langit at ang lupa. Dahil dito, walang saligan ang mga iskolar ng Bibliya upang tutulan ang siyentipikong mga pagkalkula sa edad ng planetang lupa. Tinatantiya ng mga siyentipiko na ang edad ng ilang bato ay tatlo at kalahating bilyong taon, at na ang edad ng lupa mismo ay mga apat hanggang apat at kalahating bilyong taon o mahigit pa.

May kinalaman sa panahon, mas espesipiko ang Kasulatan tungkol sa anim na araw ng paglalang sa ulat ng Genesis. Ang mga araw na ito ay may kinalaman, hindi sa paglalang sa materya o materyales ng lupa, kundi sa pagsasaayos at paghahanda nito para sa pananahanan ng tao.

Hindi isinisiwalat ng Bibliya kung lumalang ang Diyos ng buhay sa alinman sa iba pang mga planeta sa sansinukob. Gayunman, ang mga astronomo sa ngayon ay walang nakikitang patotoo na may umiiral na buhay sa alinman sa mga planetang ito at, sa katunayan, maliban sa lupa ay wala silang nalalamang planeta na sa ngayon ay may kakayahang sumuporta sa buhay ng mga nilalang na laman. (Kaunawaan, Tomo 2 p. 228)

| Hindi nito sinasabi kung paano eksaktong nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay. Kaya kung ang uniberso man ay resulta ng pagsabog sa kalawakan, hindi iyan magiging salungat sa sinasabi ng Bibliya. Sa halip, sinasagot ng Genesis 1:1 ang tanong na, Sino ang sanhi ng big bang?

Siyempre pa, naniniwala ang maraming siyentipiko na ang big bang ay basta na lang nangyari, at dahil dito, ang mga partikula ng materya ay kusang nagsama-sama at bumuo ng mga bituin at planeta sa loob ng mahabang panahon. Hindi sinusuportahan ng Bibliya ang paniniwalang iyan. Pero sinasabi nito na ang uniberso ay nabuo dahil tuwiran itong ginawa ng Diyos, gumamit man siya ng isang uri ng pagsabog sa kalawakan o iba pang pamamaraan ng paglalang. (g15 10 p. 8)

| Simple ngunit mapuwersa ang pambungad na pangungusap ng Genesis. Sang-ayon ang mga iskolar sa Bibliya na ang binabanggit na pangyayari sa talatang ito ay iba kaysa sa mga araw ng paglalang na binabanggit mula sa talata 3 patuloy. Napakahalaga ng kahulugan nito. Ayon sa pambungad na pangungusap ng Bibliya, ang uniberso, pati na ang ating planetang Lupa, ay umiiral na nang napakatagal na panahon bago pa magsimula ang mga araw ng paglalang [gaya ng paglalang sa mga hayop, halaman, at iba pa].

Ayon sa tantiya ng mga heologo, ang lupa ay mga 4 na bilyong taon na, at ayon sa kalkulasyon ng mga astronomo, ang uniberso ay maaaring 15 bilyong taon na. Ang mga natuklasan bang ito—o ang posibleng mga pagbabago nito sa hinaharap—ay salungat sa Genesis 1:1? Hindi. Hindi espesipikong binabanggit ng Bibliya kung gaano na talaga katagal “ang langit at ang lupa.” Hindi pinasisinungalingan ng siyensiya ang nakasulat sa Bibliya. (g 9/06 p. 19)

| Kung dati nang umiiral ang materya [or, matter], hindi wastong gamitin ang terminong “pasimula” para sa materyal na mga bagay.

Mga Aral

| Sa pambungad na ito makahulugan ang pagpapakilala sa Diyos bilang Maylikha at sa kaniyang materyal na lalang bilang ang mga langit at ang lupa.
 

Similar threads

Back
Top