What's new

Daily Bread (April 14 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK.. ANAK, NARITO ANG IYONG INA...
(Juan 19:27).
Babae, narito ang iyong anak… Anak, narito ang iyong ina…”
Sa Wikang ito ay ipinakikita na si Jesus ay Larawan ng Pagiging Mahabagin
Sa maraming pagkakataon sa buhay ng Panginoong Jesus ay palaging makikita ang Kanyang pusong puspos ng pagiging mahabagin:
Nagpakain ng mga taong nagugutom.
Nagpagaling ng mga ketongin at nagpalayas ng demonyo sa mga inaalipin nito.
Bumuhay ng patay.
Tumangis nang marubdob nang makita ang taong patungo sa kapahamakan.
Siya ay modelo sa larangan ng pagpapakita ng kahabagan sa kapwa.
Dahil Dito, Ang Wika ay Kapahayagan ng Pagmamalasakit at Pag-aaruga
Hindi nawawaglit sa isipan ni Jesus ang kapakanan ng iba maging sa gitna ng Kanyang sariling sakit at pagdurusa.
Sa Kanyang alaala, ang Kanyang ina ay may pangangailangan na kailangang bigyan ng pagmamalasakit.
Posibleng sa panahong yaon, si Maria ay isa nang balo. Ang balo sa panahong yaon ay nabubuhay sa awa at habag ng ibang tao. Wala silang karapatang maghanapbuhay at walang tinig sa lipunan.
Alam ni Jesus ang lahat ng ito. At Siya ay may pagtitiwala na si Juan na Kanyang minamahal ay may kakayahan na arugain ang Kanyang ina sa sandaling Siya ay tuluyan nang pumanaw sa piling nito.
Tayo ay mapalad sapagkat mayroon tayong mga ina na sa atin ay nagmamahal at kumakalinga.
Ang ating mga ina ay instrumento ng Diyos upang iparanas Niya sa bawat isa kung ano ang kahulugan ng pag-ibig ng Kanyang Ama…ng ating Ama sa langit.
Tulad ng halimbawa ni Jesus, ang mga ina ay dapat arugain, pagmalasakitan at mahalin.
SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI AT PAGLUWALHATI! SA PANGALAN NG ATING PANGINOONG HESUS. AMEN.

English Ver.


WOMAN, HERE IS YOUR SON .. SON, HERE IS YOUR MOTHER ...
(John 19:27).
Woman, here is your son… Son, here is your mother… ”
In this Language it is shown that Jesus is the Image of Compassion
On many occasions in the life of the Lord Jesus His heart was always full of compassion:
Feeding hungry people.
He healed lepers and cast out demons from its slaves.
Raise the dead.
Wept bitterly when we saw the man heading for disaster.
He was a model in the field of showing compassion to others.
Consequently, Language is an Expression of Caring and Caring
Jesus did not lose sight of the welfare of others even in the midst of His own pain and suffering.
In His memory, His mother had a need that needed to be given attention.
It is possible that by that time, Mary was a widow. The widow at that time lived in the mercy and compassion of other people. They have no right to work and no voice in society.
Jesus knows all this. And He was confident that John, whom He loved, would be able to take care of His mother as soon as He finally passed away with her.
We are blessed because we have mothers who love and care for us.
Our mothers are God's instrument for Him to show each other what the love of His Father… our Father in heaven means.
Like Jesus, mothers are to be nurtured, cared for, and loved.
ALL PRAISE AND GLORY BE TO GOD! IN THE NAME OF OUR LORD JESUS. AMEN.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top