What's new

Daily Bread (April 27 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
PAGPAPATAWAD NG DIOS.
(1 JUAN 2:2) Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.
Maraming tao ang may maling akala na ang pinatatawad lamang ng Diyos ay "maliliit" na kasalanan tulad ng pagsisinungaling, pagkagalit at pagiisip ng marurumi, ngunit hindi Niya pinatatawad ang "malalaking kasalanan" tulad ng pagpatay at pangangalunya. Hindi ito totoo. Walang malaking kasalanan na hindi kayang patawarin ng Diyos. Nang mamatay si Hesu Kristo sa krus, namatay Siya upang bayaran ang ng lahat ng kasalanan ng buong sanglibutan (1 Juan 2:2). Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.
Nang ilagak ng isang tao ang kanyang pananampalataya kay Kristo para sa Kanyang kaligtasan, ang lahat ng kanyang mga kasalanan ay pinatawad ng Diyos. Kabilang sa mga kasalanang iyon ang kanyang mga kasalanan sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap, gaano man kaliit man o kalaki. Namatay si Hesus upang pagdusahan ang kabayaran ng ating mga kasalanan, at ng patawarin Niya ang mga iyon, ang lahat ay napatawad na (Colosas 1:14)
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
14 Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Ang biyaya ng Kaligtasan ay para sa lahat ng tao, kahit gaano pa kasama ang isang tao sa sandaling siya ay magsisi at maghandog ng buhay sa Panginoong Hesus siya ay pinatawad at iniligtas ng Dios.
PURIHIN ANG DIYOS!!


English Ver.


GOD'S FORGIVENESS.
(1 JOHN 2: 2) Christ is the sacrifice for the remission of sins, not only our sins, but also the sins of all people.
Many people have the misconception that God only forgives “small” sins such as lying, anger and dirty thoughts, but He does not forgive “major sins” such as murder and adultery. This is not true. There is no great sin that God cannot forgive. When Jesus Christ died on the cross, He died to pay for all the sins of the world (1 John 2: 2). Christ is the sacrifice for the remission of sins, not only our sins, but also the sins of all people.
When a person places his faith in Christ for His salvation, all his sins are forgiven by God. Those sins include his past, present and future sins, no matter how small or large. Jesus died to pay the penalty for our sins, and when He forgave them, all were forgiven (Colossians 1:14).
Good News Bible (MBBTAG)
14 In whom we have redemption through his blood, the forgiveness of sins, according to the riches of his grace;
The grace of Salvation is for all people, no matter how bad a person is once he repents and offers his life to the Lord Jesus he is forgiven and saved by God.
PRAISE THE LORD!!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top