What's new

Daily Bread (April 8 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"LUBOS TAYONG IINGATAN"
(AWIT 145:20-21)
20 Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.
21 Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!
MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat mga kapatid.. Napakaganda po ng pagtatapos na mga talata ng (Awit 145) sabi sa talatang 20, yaong umiibig sa Kanya ng lubos ay iniingatan, isang katiyakan sa ating umiibig ng lubos sa Diyos na tayo ay Kanyang pakaiingatan. Makaaasa tayo sa Kanyang pangako na hindi Niya tayo iiwan ni pababayaan man, basta't mahalin lang natin ang Dios ng lubusan tiyak iingatan Niya tayo sa lahat ng sandali ng ating buhay.. Subalit kabaligtaran po ang sasapitin ng mga masasama, ang sabi ng talata ay Kanyang wawasakin at walang mabubuhay.. Ito po ay isa ring babala sa ating lahat na ang bawat lumalakad sa kasamaan ay mapapahamak, hindi makakamit ang pagiingat at kalinga ng Dios.. Mga kapatid ibigin natin ang Dios ng higit sa lahat at tiyak na pagpapalain Niya tayo at iingatan.. Kaya naman sinabi ni David sa huling talata sa 21, na pupurihin niya si Yahweh habang nabubuhay, dahil wala naman tayong maigaganti sa Dios sa Kanyang mga kabutihan kundi ang sambahin natin Siya paglingkuran at pasalamatan, hinihimok rin ni haring David na tayong lahat ay magpuri at magpasalamat sa ngalan Niyang banal.... Karapatdapat nating pasalamatan at sambahin ang Dios sa bawat sandali ng ating buhay, dahil siya ang may likha sa atin. Patuloy nating ibigin ang Dios sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating sa ating buhay.. Huwag nating tigilan ang pagpupuri sa Dios tulad ng ginagawa ni David na hindi nagsasawang magpuri sa Dios.. Dakilain natin at parangalan ang Kanyang dakilang Pangalan ngayon at magpakaylanman..
Ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Ver.


"WE WILL BE TAKEN CARE OF"
(PSALM 145: 20-21)
20 Those who love him fully are kept; but the wicked will he destroy, and none shall live.
21 I will bless the Lord God, as long as I live in his holy name, all praise forever!
BLESSED DAY to all of us brothers and sisters .. How beautiful are the closing verses of (Psalm 145) says in verse 20, those who love Him fully are kept, an assurance to those of us who love God fully that He will keep us. We can count on His promise that He will not leave us nor forsake us, as long as we love God completely He will surely protect us in all moments of our lives. But the opposite will happen to the wicked, the verse says. He will destroy and no one will survive .. This is also a warning to all of us that everyone who walks in evil will perish, will not be able to obtain the protection and protection of God .. Brothers and sisters let us love God above all and surely be blessed He will protect us. That is why David said in the last verse of 21, that he will praise Yahweh as long as he lives, because we have nothing to repay God for His goodness but to worship Him, serve and give thanks, also urged King David. that we may all praise and give thanks to His holy name .... We deserve to thank and worship God in every moment of our lives, because he is our creator. Let us continue to love God in spite of the many trials that come into our lives. Let us not stop praising God as David did who never tired of praising God. Let us exalt and honor His great Name now and forever.
God's grace and protection be with us all now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top