Daily Bread (December 15 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,407
Reaction
4,112
"ANG KATAPATAN AT PAG IBIG AY MAGDADAUP-PALAD"
(Mga Awit 85:10-12)
10 Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap.
11 Sa balat ng lupa'y sadyang maghahari itong katapatan,mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan.
12 Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam;
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ilang araw na lang pasko na naman at ibat ibang mga paghahanda ang ating ginagawang mga Pilipino. Pagandahan ng parol pakislapan ng ilaw at pabonggahan ng mga Christmas party.. Nakakatuwa parang lahat tayo ay may birthday.. Pero teka muna kumusta naman po kaya sa ating mga buhay ang talagang may birthday ang Panginoong Hesus. Baka naman ang may birthday ay nasa isang sulok lamang ng ating buhay at hindi talagang napapansin, mga kapatid si Jesus po ang may kaarawan at hindi po tayo.. kaya kahit wala pong matanggap na regalo ok lang may regalo ka ng matagal na ibinibigay sa iyo ng Dios ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus.
sabi ng ating mga talata Mga Awit 85:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap.
11 Sa balat ng lupa'y sadyang maghahari itong katapatan,
mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan.
12 Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam;.. Iyan ang inaalok sa ating regalo ng Dios buhay na sagana hindi lang dito sa lupa kundi maging sa buhay na walang hanggan.. Ang katapatan ng Dios ang pag ibig at kapayapaan ay nagdaop dahil kay Kristo mula ng Siya ay magkatawang tao at iligtas tayo. Gagawing maunlad ng Dios itong ating buhay sa balat ng lupa, ang mga halaman sa ating lupain ay bubungang mainam.. Ang saya ng Pasko ng mga anak ng Dios, laging sagana payak at may kapayapaan.. Ang regalo natin ay pangwalang hanggan hindi naluluma at hindi matatapos kailanman, salamat sa ating Panginoong Hesus.. Makahulugan ang ating Pasko.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Top