What's new

Daily Bread (December 16 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(IBAHAGI NATIN ANG LIWANAG SA IBA
( ISAIAS 60:2)
2 – Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni’t ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ito ang hinihingi (requirement) ng ating tinanggap na liwanag ng Mabuting Balita. Nang tayo ay sumampalataya sa Panginoon, tayo’y naging kahati ng Kanyang kalikasan bilang Diyos (2 Pedro 1:4). At mula sa kadiliman, tayo’y nasa liwanag na dahilan sa ating Panginoon (Efeso 5:8). Ang inaasahan ngayon ng Panginoon sa atin ay “mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga taong naliwanagan.” At ang utos ng Panginoon sa atin at sa Kanyang Iglesia ay maging “Ilaw ng sanlibutan” at kinakailangang magliwanag ang ating ilaw sa gitna ng madilim na sanlibutan.
Ito ang kailangan ng sanlibutan na nasa kadiliman. Ang isa sa mga kahulugan ng salitang “sanlibutan” ayon sa pagkakagamit sa Biblia ay ang kasalukuyang sistema nito na inilarawan sa wikang Ingles na “this present evil age” (Romans 12:2). Ang kadiliman ay masusumpungan sa lahat ng aspeto ng buhay sa kasalukuyang sistema ng sanlibutan. May kadiliman sa lipunan – nawawasak ang pamilya, laganap ang pagbagsak ng kasagraduhan ng marriage, at ang imoralidad ay nagiging lifestyle sa panahong ito. Ang live-in relationship ay pangkaraniwan lamang lalo na sa mga kabataan. Ang ****ograpiya ay abot-kamay kahit ng mga musmos sa loob mismo ng sariling tahanan sa pamamagitan ng isang click ng mouse ng kanilang computer sa bahay. Ang sukatan ng pagiging tunay at magaling na lalaki ay duon sa dami ng kinakasamang babae bukod sa kanyang tunay na asawa. May kadiliman sa larangan ng politika at hindi lingid sa ating kaalaman ang mga bagay na ito sa ating bansa. May kadiliman maging sa aspetong pangrelihiyon. Maraming mga tagapagturo ang inilalayo ang tao sa liwanag ng katotohanan ng Ebanghelyo. May mga lider ng relihiyon na nakalublob sa imoralidad, at mayroon din sa mga ito na ang kaabalahan ay magkakamkam ng yaman sa halip na mangaral ng Salita ng Diyos.
Ito ang inaasahan sa ating ministeryo. Kung ang ating lipunan na may presensiya na ng mga mananampalataya at ebanghelikong simbahan ay laganap pa rin ang kadiliman, ano na kaya ang mangyayari kung wala ang mga ito? Samakatuwid, malaki ang inaasahan sa ating mga anak ng Dios sa sanlibutan bilang mga mananampalataya, at bilang Iglesia ng ating Panginoon. Ang kahulugan ng pagiging “Ilaw at Asin ng Sanlibutan” ay isang mabigat na responsibilidad, at malaki ang inaasahan sa atin. Purihin ang Diyos sapagkat, bagaman mahirap, ang ministeryong ito ay isang pribilehiyo.
PAgpalain tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top