What's new

Daily Bread (December 17 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
. ( MATEO 1:23).
Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa Kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Pasko na naman gunigunita na naman ng buong mundo ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesus.
HINDI NA mapigil ang paglabas ng mga tao, puno na naman ang malls, mga Hotel at mga establisiyentong panggabi, open na man ang mga sabungan at mga pasugalan at mga bahay aliwan... Dahil sa sobrang kasabikan parang nakaalpas ang mga tao sa matagal na pagkakakulong, hindi naman biro kasi ang dinanas natin nong kasagsagan ng pandemya.. Pero teka muna, dapat alalay din ang ating pamahalaan sa pagbibigay luwag sa mga tao, hindi pa naman kasi totally tapos ang covid. May omicron variant pa na mapanganib, at maaring makapasok sa ating bansa. Kaya ingat pa rin tayo mga kapatid at kababayan... Sino nga ba ang hindi gustong maicelebrate natin ngayon ng masaya at wala ng covid ang Pasko? , hindi bat lahat naman tayo.? Sa sobrang excited ng mga tao nalilimutan tuloy na ang may kaarawan ay si Kristo... Iba kasi ang nangyayari ngayon kung Pasko. Dapat may bagong damit, dapat may bonus, dapat may hamon, dapat sagana, dapat maraming pera at kung ano ano pang dapat.. Pero ang tanong kumusta naman sa buhay natin si Kristo ngayong Pasko? Baka naman natabunan na Siya ng mga palamuti, kasiyahan, regalo at ng mga party at Christmas shopping, nalimutan na natin na ang tunay na diwa ng Pasko ay kaligtasan.. kung walang pasko wala tayong kaligtasan, wala tayong manunubos, walang mamagitan para sa atin sa Dios Ama, walang Kristong namatay sa Krus ng kalbaryo para tubusin tayo sa tiyak na kapahamakan.. at walang pagkabuhay na muli na Siyang pinakahihintay nating maganap sa lajat ng manamnampalataya... Mga kapatid magpasalamat tayo sa Dios dahil may Pasko may buhay na walang hanggan tayong mga nanampalataya sa bugtong na Anak ng Dios na ating manunubos.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus. Amen..

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top