What's new

Daily Bread (December 24 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(MATEO 2:11)
11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.
Ang mga pantas ay naghandog ng kanilang mga regalo sa Panginoong Hesus, ito ay pagpapakita na sa ating pagsamba ay nakapaloob doon ang ating pagbibigay hindi lang ng mga pagpapalang materyal kundi maging ng ating mga paglilingkod. Hindi birong hirap ang dinanas ng mga Mago bago nila natagpuan ang kinaroroonan ng ating Panginoong Hesus. Malayong paglalakbay at kinakailangang gabi nila gawin upang makita ang liwanag ng tala na pumapatnubay sa kanilang paghahanap...
Hindi natin matutularan ang pagbibigay na ginagawa ng Dios. Walang maitutumbas sa Kanyang ginawang sakripisyo ng pagbibigay ng Kanyang bugtong na Anak na si Hesus.
Katulad ng ginawa ng mga pantas na lalaki, mag alay din tayo ng ating alay na paglilingkod at paghahandog ng ating mga binagong buhay kay Kristo.... Nawa’y magbigay tayo tulad ng pagbibigay ng Dios Ama. Ang ialay ang sarili Niyang Anak bilang banal na regalo sa buong sang katauhan.. . Nagbibigay tayo bilang alaala ng lahat ng ibinigay ng Tagapagligtas. Nawa’y magbigay rin tayo ng mga regalo na walang-hanggan ang kahalagahan, kasama ng ating mga regalong materyal na nasisira o nalilimutan kalaunan. Mas gaganda ang mundo kung lahat tayo ay nagbibigay ng mga regalo ng pang-unawa at pagkahabag, ng paglilingkod at pakikipagkaibigan, ng kabaitan at kahinahunan.Ito ang mga regalong magpapadama ng walang hanggang pag ibig ng Dios sa Sanlibutan..
Sa pagkadama natin sa Kapaskuhan taglay ang lahat ng kaluwalhatian nito, nawa, gaya ng mga Pantas na Lalaki, hanapin natin ang maliwanag na bituin na gagabay sa ating pagdiriwang ng pagsilang ng Tagapagligtas. Nawa’y maglakbay ang diwa natin sa Betlehem, taglay ang magiliw at nagmamalasakit na puso bilang ating regalo sa Tagapagligtas. Ang Pasko ay pagbibigayan, mas mabuti ang umibig muna tayo sa Dios ng higit sa lahat, upang matutunan natin ang kahulugan ng tunay na PAG IBIG na siyang diwa ng Pasko.
Muli ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus. Amen..

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top