- Joined
- Sep 25, 2019
- Posts
- 1,454
- Reaction
- 590
- Points
- 1,085
"PAGKAKATAON NA MASAMBA ANG PANGINOONG HESUS"
(MATEO 2: 3)
3 Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem.
ISAng mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Naghanap na mainam ang mga Pantas kay Hesus, hindi sila tumigil sa paglalakbay hanggat hindi nila nakikita ang sanggol na Kristo. Subalit may isang taong hindi natutuwa sa kapanganakan ng ating tagapagligtas, ito ay walang iba kundi si Haring Herodes.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayong papalapit na year 2022. Sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.
Pastor Ombie Lontoc

- Iniwanan ng mga Pantas na ito ang lahat para kay Jesus, naglakbay mula sa silangan para hanapin at sambahin ang isang Diyos na hindi pa nila nakikilala. Hindi madali para sa kanila na maglakbay mula sa malayo, tapos eh may dala pang kayamanan, sa atin ngayon ang lapit na ng simbahan hindi pa makapunta. Ang pagsamba kay Hesus ay nangangahulugan ng paglimot natin sa ating sarili at Siya ang ating gagawing hari ng ating buhay. It also means enthroning Jesus, and dethroning ourselves. Si Hesus ang dapat na maluklok na hari at hindi tayo.
- Nagulumihanan ng labis si haring Herodes dahil iniisip niya na may papalit na sa kanyang trono. , hindi niya kinikilala si Lord Jesus bilang hari. . (Bakit ka nga naman sasamba sa hindi mo kinikilalang Diyos?)
- Ang aral na ibinibigay sa atin ay ito. Huwag nating payagan na mawala sa ating buhay ang kasabikang masamba si Lord. Gawin mo ito , anuman ang sabihin sa’yo ng mga tao sa paligid mo.
- Dapat lagi tayong excited na sambahin si Lord. — o dumarating tayo sa punto ng ating buhay na “Tinatamad tayong sipagin at sinisipag tayong tamarin”
Pagpalain po tayo ng Dios ngayong papalapit na year 2022. Sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.
Pastor Ombie Lontoc