What's new

Daily Bread (December 28 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"PAALAM 2021..WELCOME 2022".
PAGLIWANAGIN NATIN ANG ATING ILAW
( MATEO 5:14-15)
"Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago. 15 Hindi rin sinisindihan ng sinuman ang ilawan upang ilagay sa ilalim ng takalan. Ngunit ito ay inilalagay sa lalagyan ng ilawan at nagliliwanag sa lahat ng nasa bahay.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Ang mga nagdaang kalamidad, pagputok ng bulkan, mga paglindol at pagbaha, at malakas na bagyong Odette na nanalasa kamakailan sa Kabisayaan Bicol at Mindanao na pumatay ng humigit kumulang 400 tao, ang pagdating ng covid 19 ay mga pangyayaring tanging Dios lamang ang nakakaalam, Siya ang may kontrol sa lahat ng ito at sa isang iglap lamang kung nanaisin Niya ay kaya Niyang gunawin ang mundong ito.. Subalit hindi mangyayari ang paggunaw hanggat hindi nagbabalik ang ating Panginoong Hesus. . Kaya ang mga kaganapang ating nararanasan ay mga tanda pa lamang at paghahanda sa atin ng Dios sa pagbabalik ng Kanyang Anak na si Hesus... Patuloy din ang pagsama ng sanlibutan, kahit anong pagsisikap ng gobyerno na hadlangan ang bawal na droga at mga krimen ay hindi ito mapigil lalo pangang lumalala.. Wala ng takot ang iba sa paggawa ng krimen lagananp ang lantarang pagpatay ng kapwa at kahit sa sariling kadugo o kapamilya, napakasama na ng mundo.. Ano ang magagawa nating mga Kristiyano upang kung hindi man mapigilan ay mabawasan ang mga kasalanang nangyayari sa Sanlibutan.. Pagliwanagin natin ang ating mga ilaw sa gitna ng mundong nababalot ng kadiliman.. Sabi sa (Roma 12:2) "Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.".. Huwag tayong maki ayon sa kalakaran ng mundong ito.. Hindi tayo tagarito tayo ay taga langit kaya kumilos tayo at mamuhay bilang mga taga langit... Tayo ang ilaw ng Sanlibutan pagliwanagin natin ang ating ilaw.. Sabi sa Mateo (5:14-16)
14 Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago. 15 Hindi rin sinisindihan ng sinuman ang ilawan upang ilagay sa ilalim ng takalan. Ngunit ito ay inilalagay sa lalagyan ng ilawan at nagliliwanag sa lahat ng nasa bahay. 16 Sa ganitong paraan pagliwanagin ninyo ang inyong ilawan sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa. Sa gayon ay luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.
Ang ating impluwensiya at mga patotoo ay napakahalaga, ito ay magsisilbing liwanag sa mga taong nasa kadiliman upang maakay natin sila sa paanan ng ating Panginoong Hesus.. Bumangon tayo at iwagayway natin ang ating mga ilaw sa gitna ng mundong ito na lunod na sa kasalanan.
Ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top