What's new

Daily Bread (December 3 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HUWAG MATIGAS ANG ULO"
. (1 JUAN 5:14).
"Ito ang ating kapanatagan sa kanya, na kung tayo'y humingi ng anumang bagay na ayon sa kanyang kalooban, tayo'y pinapakinggan Niya" .
Isang mapagpalang araw po muli sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Madalas at marami tayong hinihingi sa Dios na hindi Niya kalooban, at kung minsan sa ating kakulitan ito ay ibinibigay ng Dios, Kagaya ng nangyari sa isang babaing balo at ng masamang hukom. Hindi naman masamang humiling ng maraming bagay sa Dios kaya lamang kung hindi Niya kalooban, maaring dumaan tayo sa mabigat na konsenkuwensiya.. Halimbawa na lamang sa pag aasawa nararamdaman na ng magulang at mga nakapaligid sa kanya na hindi naman sila para sa isat isa iginigiit parin,.. "Ipinanalangin ko naman wika iyan sa Dios!".. Pero ang mga ganitong bagay karaniwan ay nauuwi sa pagsisisi. Hindi kasi marunong makinig sa tinig ng Banal na Espiritu Santo. Madalas ang pinaiiral ay puso at damdamin hindi kung ano ang kalooban ng Dios. Marami na tayong nasaksihang ganyan na ipinipilit ang gusto at sa huli ay nagsisi. Mga magulang ko at kapatid, maging masunurin po tayo sa kalooban ng Dios, ginagamit din ng Dios ang ating mga magulang, pastor at mga kapatiran upang malaman natin kung kalooban nga ba ng Dios ang ating hinihingi sa Kanya.. Madali lang naman. po itong malaman kung kalooban ng Dios o hindi ang ating hinihingi sa Kanya... Kapag walang hadlang at ang lahat ay masaya, lalo na ikaw na humihingi nito sa Dios, kalooban Niya ang iyong hinihingi. Subalit kung maraming nagsasabing ipanalangin mo pang mabuti, o pagisipan mong mabuti lalo na kung ang nagsasabi ay iyong magulang at mga pastor, at maraming hindi masaya at nahihirapan at ikaw din mismo ay nahihirapan sa sitwasyon, malamang kapatid hindi kalooban ng Dios ang iyong hinihingi sa Dios .. Huwag pong maging matigas ang ulo natin, hanapin natin talaga at sundin kung ano ang kalooban ng Dios... Huwag ang ating kalooban ang masunod kundi ang kalooban ng Dios.. upang hindi tayo magsisi sa huli.. Huwag pong matigas ang ulo!
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top