What's new

Daily Bread (December 6 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA"
"JUAN: 10:10"
Sinabi ni Hesus, “Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak.
Naparito ako upang ang mga tupa'y magkaroon ng buhay---isang buhay na ganap at kasiya-siya.”
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga salita ng Dios..
Marami tayong gusto sa buhay. Gusto nating lahat yumaman at guminhawa ang buhay. Gusto natin na ang bayan natin ay makihanay sa mga bansang mayayaman at ganap … mga bansang walang mahirap, walang iskwater, at walang namamatay sa gutom. Gusto natin ng maluluwang na kalye, magagarang bahay, at magagandang pangitain sa lansangan. Gusto natin na malinis ang mga ciudad, mga liwasang bayang hindi nabubuntunan ng basurang nabubulok at nangangamoy.
Nguni’t alam ng lahat na bagama’t walang masama sa mga layunin at kagustuhang ito, may higit tayong pinapangarap… may higit tayong inaasam at hinihintay … may higit na mahalaga tayong hinahanap at pinagsisikapang marating. At alam nating lahat na ang mga bagay o kalalagayang itong higit nating hinahanap ay hindi lamang material … hindi lamang nabibilang, nasusukat, at natitimbang, dahil sa ang mga ito ay mga pagpapahalagang espiritwal, na may kinalaman sa buhay na walang hanggan.
Ang buhay na ganap ay hindi lamang pang materyal kundi pang espiritwal.
Ang pisikal na pagpapala ay hindi garantiya na ikaw ay mayroon ng buhay na ganap at kasiya siya.. maging ang ating kahirapan o kayamanan ay hindi indikasyon ng ating katayuan sa harap ng Diyos.
Na kay Solomon ang lahat ng materyal na pagpapala na ninanais na makamtan ng lahat ng tao ngunit kanyang natagpuan na ang lahat ng ito ay walang kabuluhan .
Ang tunay na buhay na ganap ay matatagpuan lamang natin kay Kristo,kung nasa atin ang Panginoong Hesus walang ng kulang ang buhay natin ito ay ganap na at Kasiya siya.
Sumaatin nawa ang mga pagpapala ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus.Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top