What's new

Daily Bread (February 10 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"IT'S ALL ABOUT LOVE" ...
Para sa buwan ng mga puso na mga mensahe..
(AWIT 103:8)
ANG Panginoon ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.
Isang mapagpalang buwan po ng mga puso sa ating lahat, dahil po ngayon ay LOVE Month ang topic natin ay puro tungkol sa pag ibig.
Lahat tayo ay marunong umibig at nakaranas na ibigin, subalit hindi natin mapapantayan ang Dios pagdating sa pagpapamalas ng pagmamahal... grabe ang pag ibig ng Dios, kaisa isang Anak Niya ang Panginoong Hesus ay Kanyang ibinigay dahil sa laki ng pag ibig Niya sa atin (Juan 3:16).
At hindi lang Siya mapagmahal sabi ng ating talata Siya din ay mahabagin, isa sa katangian ng Dios ang pagiging mahabagin, una Niyang nakita ang ating kahabag habag na kalagayan, ang ating kawalang pag asang maligtas, kaya naman Siya na ang gumawa ng daan upang iligtas tayo.. kahit na tayo ay lumayo at tinalikuran Siya, hinanap pa rin Niya tayo at binigyang muli ng pagkakataong makabalik sa Kanya sa pamamagitan ng ating pagtanggap sa Kanyang inaalok na pag ibig sa pamamagitan ng Kanyang kaisa isang Anak ang ating Panginoong Hesus.
Ang Dios din ay matulungin alam Niyang lahat ng ating mga pasan at suliranin kaya nga kinukuha Niya ito sa atin upang tulungan tayong dalahin ito (Mateo 11:28) At isa pa hindi rin Siya madaling magalit, sa kabila ng ating mga ginawang pagsalangsang, binibigyan Niya parin tayo ng pagkakataong makapagsisi at makahingi ng tawad sa Kanya.. Tunay nga napakasagana ng Kanyang pagmamahal.. Mga kapatid, wala ng hihigit pa sa pag ibig ng Dios kaya naman mahalin din natin Siya at igalang, at paglingkuran natin Siya ng buong katapatan.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top