What's new

Daily Bread (February 15 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(MGA AWIT 51:5-9)
5Ako'y masama na buhat nang isilang,
makasalanan na nang ako'y iluwal.
"(6 Nais mo sa aki'y isang PUSONG TAPAT
puspusin mo ako ng dunong mong wagas.)"
7 Ako ay linisin, sala ko'y hugasan
at ako'y puputi nang lubus-lubusan.
8 Sa galak at tuwa ako ay puspusin;
butong nanghihina'y muling palakasin.
9 Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,
lahat kong nagawang masama'y pawiin.
MAGAndang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po nating nilayin ang Salita ng Dios.
Bagamat ang tao ay nagsisikap na maging matapat,hindi pa rin natin mapapantayan ang katapatan ng Dios, at ito ang pakanasain natin mga kapatid ang maging matapat, sapagkat ang nais ng Dios ay isang pusong tapat.. Subalit ang Dios ay hindi natin madadaig sa kanyang katapatan at kahit tayo ay hindi matapat ang Dios ay mananatili pa ring tapat sa Kanyang mga anak.. Nais mo bang kalugdan ka ng Dios? Hilingin natin sa Dios na likhaan niya tayo ng isang pusong tapat.. Ang sabi ng ( Mga Awit 51:10-12) "Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat."
Dahil kung sa atin lang sariling lakas hindi po natin magagawang maging matapat, subalit sa tulong at biyaya ng Dios at sa kapuspusan sa atin ng dunong na wagas na nagbubuhat sa Kanya ito ay maari nating magawa...
Muli ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top