What's new

Daily Bread (February 18 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"SA DIOS ANG LAHAT NG BAGAY...ANG LAHAT NG ITO AY KANYANG LALANG"
(Awit 24:1)
Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios
Ang lahat ng bagay ay Dios ang may ari, Siya ang may likha sa lahat ng bagay na nakikita natin. Sabi ng (Gensis 1:1) 1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.... Walang anomang bagay noong hindi pa lumalalang ang Dios, ang una Niyang nilikha ay langit at lupa at sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Kanyang Salita, nilagyan ng Dios ng lahat ng bagay ang sansinukob. Kaya wala tayong masasabi na talagang atin, ang lahat ng nasa atin ngayon ay galing sa Dios, kaya wala tayong maipagyayabang na kaya tayo mayroon nito o mayroon noon ay dahil sa atin. Kung marunong lang tayong mag analisa ng lahat ng bagay maiisip natin at matatanggap na wala talaga tayong pagaari sa mundong ito. Sabi nga sa Aklat ng (Job 1:21) At sinabi niya, hùbád akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hùbád na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.. Wala tayong dalang anuman ng ipinanganak tayo, hùbád tayo ng dumating sa mundong ito at hùbád din tayong babalik roon,.. Kaya nga kung marami tayong tinatangkilik, ipamahagi natin ito sa iba, tulungan natin ang mga kapus palad mga balo at mga ulila. Kaya mayroong umaapaw ay upang bigyan ang mga kinukulang.. Huwag tayong maging sakim magpasalamat tayo kung mayroroon tayo dahil pinagkatiwalaan ka ng Dios. Kaya dapat mag ingat ang mga maraming kayamanan na hindi nagbabahagi sa mahihirap. Habang papalapit ang huling panahon, lumalamig ang pagibig ng tao sa kanyang kapwa tulad ng sinasabi ng( 2 Timoteo 3:2a) Ang mga tao'y magiging makasarili, sakim sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala,.
Mahirap kapag pumasok sa puso ng tao ang kasakiman, nalilimutan ng taong ganito na ang kanyang mga pagaari ay galing sa Dios, ang akala ay kanya lamang at ayaw ng bitawan ito.. Magingat po tayo dito mga kapatid wag tayong mahulog sa bitag ng pagiging sakim at makasarili, humingi tayo ng tulong sa Dios na may ari ng lahat ng ating tinatangkilik na ingatan Niya tayo sa mga bagay na makapaglalayo sa atin sa Kanya.
Muli ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top