What's new

Daily Bread (February 19 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"SALAMAT SA BUHAY"
(Awit 90:10a)
Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon;
Isang maagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Natutuwa ako da ating panahon ngayon, dahil kapag may birthday ka ang daming bumabati dahil sa social media sa fb, napakaraming nakakakita at kahit hindi mo kakilala ay pwede kang batiin. Di tulad noon na konti lang ang nakakaalam mga kaibigan lang at kamag anak.
Sabi ng ating talata ang ating buhay ngayon ang hangganan ay pitumpong taon at kung medyo malausog ay umaabot ng otsenta. At napapansin nating pabata na ng pabata ang mga namamatay, dahil na rin marahil sa ating mga kinakain at pagaabuso ng katawan.. Noon kasi ay puro gulay tayo na sariwa at ang bigas natin ay sariling ani. Ang isa pa ay maraming bisyong nakakasira ng katawan tulad ng alak at sigarilyo. At kung matulog tayo ay palaging late, nagpapakapuyat sa mga gadget at kung ano ano pang pinagpupuyatan.. Iyan ay ilan sa mga dahilan kaya umiikli ang buhay ng tao.
Pahalagahan natin mga kapatid ang buhay na kaloob ng Dios dahil ito po ay biyayaya ng Dios.
Iisa lang po ito at maikli pa, atin itong ipaglingkod sa ating Diyos at sa ating mga kapwa. Alalahanin nating bukod sa hindi natin pagaari ang ating buhay ito ay maikli lamang. Huwag nating sayangin ang buhay na kaloob ng Dios, ..Ialay natin ito sa Kanya bilang Siya ang ating Panginoon at manglalalang.
Purin si Yahweh ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng Panginoong Hesus. AMEN.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top