What's new

Daily Bread (February 21 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"TINAWAG TAYO NG DIYOS HINDI UPANG PARUSAHAN"
( 1 Tesalonica 5:9-11)
9 Hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito. 11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.
Isang mapagpalang araw muli sa atin mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Tinawag tayo ng Diyos: Hindi upang parusahan
[Kung tayong tinawag o mga nak ng Dios ay hindi parurusahan, sino kung gayon ang parurusahan ng Dios.? May kaparusahang naghihintay sa mga hindi dumirinig sa kanyang mga salita. May kaparusahan sa mga hindi mananampalataya. May kaparusahan sa mga hindi susunod sa kanyang kalooban... Kung ganoon, may kaligtasang naghihintay na ibibigay ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. At kung ito’y sa pamamagitan ni Cristo, dapat lamang na huwag nating kalilimutan na ang pagsunod kay Cristo ang tanging paraan ng kaligtasan. Narito ang mga katunayan na tayo ay iniligtas ng Panginoong Hesus.
---Namatay siya para sa atin
Ito ay para sa mga nananampalataya at sumusunod sa kanyang kalooban at utos. Ang kanyang kamatayan ay para sa mga taong naniwala sa kanyang mga salita at turo.
---upang tayo’y mabuhay na kasama niya
[Ito’y ang pagkabuhay na mag-uli sa kanyang pagbabalik sa mundong ito upang kunin ang mga sumunod at naniwala sa kanyang mga itinuro.]
---Buhay man o patay
[Isang makahulugang bahagi ng ating buhay. Ang pagparito niya’y hindi natin alam kung kailan -- buhay pa tayo o patay na. Ang tiyak na bagay ay ito: siya’y darating, at dapat tayong matiyagang maghihintay.]
---Sa kanyang muling pagparito.
Ito’y katiyakan ng kanyang muling pagparito. Siya’y darating!
Dahil dito patuloy kayong magpaalalahanan . Anong paalaala ang sinasabi dito? Ito ay ang tungkol sa Panginoon, sa pananampalataya, sa matuwid na landas, sa buhay na ayon sa kagustuhan ng Diyos, sa buhay kay Cristo.
---Magtulungan.
Anong uri ng pagtutulungan ang binabanggit dito? Ito ay hindi lamang sa pisikal na kalagayan kundi sa espiritual, isang pagtutulungan na may kalakip na pagmamahal at malasakit.
---Sa ating buhay, pansinin natin ang lahat ng ito. Huwag nating kaligtaan ang katotohanang darating ang Panginoon, at kung siya’y darating, dapat lamang na ito’y ating paghandaan.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top