What's new

Daily Bread (February 22 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
(Santiago 1:12)
Ang Pagsubok at ang Pagtukso
12 Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon[a] sa mga umiibig sa kanya.
MAPAG palang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng buhay Kristiyano ay ang katotohanan na ang pagiging tagasunod ni Kristo ay hindi garantiya na hindi tayo makakaranas ng mga pagsubok at kahirapan. Bakit hinahayaan ng isang mabuti at mapagmahal na Diyos na dumaan tayo sa mga pagsubok at kahirapan gaya ng kamatayan ng anak, pagkakasakit, kapinsalaan sa atin o sa ating mahal sa buhay, kasalatang pinansyal, pagaalala, pagkakaroon ng covid, at pagkatakot? Kung tunay na iniibig tayo ng Diyos, aalisin Niya ang mga bagay na ito sa ating buhay. Hindi ba’t ang pagmamahal ay nangangahulugan na nais Niyang mabuhay tayo ng maginhawa at komportable? Ngunit hindi gayon. Malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na iniibig Niya ang kanyang mga anak at “sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti” (Roma 8:28). Kaya nangangahulugan ito na pinahihintulutan Niya ang mga pagsubok at kahirapan sa ating buhay at ang mga ito ay bahagi ng paggawa Niya sa lahat ng bagay–para sa ating ikabubuti. Kaya nga, para sa mananampalataya, may mabuting layunin ang Diyos sa likod ng mga pagsubok at kahirapan.
Una pinapatatag niya ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya. Ang pagsubok ang nagpapadalisay ng ating pananampalataya, tulad ng ginto na pinadadaan tayo sa apoy upang makilala ito kung dalisay o lantay. Kaya mapalad po tayo mga kapatid kapag po tayo ay dumadaan sa pagsubok ibig sabihin nito ay mahal tayo ng Dios at nais Niyang maging isang matatag na Kristiyano tayo.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top