What's new

Daily Bread (January 1 2022)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"GAGAWA NG ILOG ANG DIOS SA GITNA NG DISYERTO"
( Isaiah 43: 18-19)
Ito ang sabi niya: "Ang mga nangyari no'ng unang panahon, Ilibing sa limot, limutin na ngayon. Narito, at masdan Ang nagawa ko'y isang bagong bagay Na hanggang sa ngayo'y di mo namamasdan. Ako'y magbubukas Ng isang landasin sa gitna ng ilang, Maging ang disyerto ay patutubigan.”
Bagong taon na naman mga kapatid, purihin ang Dios nakatawid na naman tayo sa isang taon ng paglalakbay sa ating buhay pananampalataya.
Kumusta po ang inyong isang buong taon... Halos lahat tayo ay dumaan sa matinding pagsubok sanhi ng ating naranasang pandemya.. Ngunit pasalamatan natin ang Dios sa kabila ng lahat ng ating naranasan iningatan tayo ng Dios at pinalakas Niya ang ating pananampalataya.
Ngayong taong 2022,hindi natin alam kung ano muli ang ating mararanasan sa ating mga buhay. Wala po tayong dapat gawin kundi harapin ng buong pag asa at pananampalataya ang taong ito sa tulong at biyaya ng Dios. Sabi po ng ating talata yaong mga naranasan natin noong una ay ibaon na natin sa limot, lalo na yung mga negatibong nangyari sa ating buhay.. may mga lesson din naman tayong nakuha at higit sa lahat lalo tayong nangunyapit sa Dios dahil batid nating hindi natin kayang harapin ang ating mga naranasan kung hindi tayo sinamahan ng Dios.
( Isaiah 43: 18-19)
Ito ang sabi niya: "Ang mga nangyari no'ng unang panahon, Ilibing sa limot, limutin na ngayon. Narito, at masdan Ang nagawa ko'y isang bagong bagay Na hanggang sa ngayo'y di mo namamasdan. Ako'y magbubukas Ng isang landasin sa gitna ng ilang, Maging ang disyerto ay patutubigan.”

I. ANG MGA NANGYARI NOONG UNA AY LIMUTIN NA NGAYON
a. limutin na ang mga pangit na bagay na ating pinagdaanan.
b.may magagandang aral tayong nakuha dito na nagpalago ng ating pananampalataya.
c.alalahanin ang mga mahimalang bagay na ginawa ng Dios sa panahon ng problema
d.gawin na lamang isang hamon o patotoo ang iyong mga pagsubok na napagtagumpayan.
II. GAGAWA ANG DIOS NG MGA BAGONG BAGAY NA HINDI PA NATIN NASASAKSIHAN.
a. umasa tayo ngayon ng mas magagandang bagay na gagawin ng Dios sa taong 2022
b.be positive not negative.. dapat lagi tayong positibo, ang pagiging negatibo ay kawalan ng pananampalataya.
III.MAGBUBUKAS NG LANDASIN ANG DIOS SA GITNA NG ILANG
a. sa gitna ng krisis na maari pa nating maranasan ang Dios ang sasama sa atin sa landas ng paglalakbay sa 2022.
b.kung iningatan tayo ng Dios noong 2021,mas higit ang pagsamang at pagiingat na gagawin sa atin ng Dios.
c.ang iba hindi aam kung saan susuling subalit tayo ay may maliwanag na ilaw sa ating landas, ang ating Panginoong Hesus.
Sabi ng ating talata sa huli Ako'y magbubukas ng isang bagong landasin sa gitna ng ilang,.. Maging ang disyerto ay patutubigan... Maaring mas mahigpit pa ang ating mararanasan sa taong 2022,pero pang hawakan atin ang sinasabi ng ating talata... Magbubukas ng landasin ang Dios sa gitna ng ilang. Tiyak sasamahan Niya tayo sa paglalakbay, at pang hawakan natin ang Kanyang pangako,
IV. SA GITNA NG DISYERTO AY MAGPAPABUKAL SIYA NG TUBIG
Ang Disyerto ay tuyot, walang tubig, walang pagkain, wala kahit anong resources na makukuha.
Subalit sa gitna ng disyerto ay magpapabukal Siya ng tubig ng kasaganaan sa mga anak ng Dios.
Ibig sabihin kahit na ang daigdig ay makaranas ng matinding kahirapan, tayong mga anak ng Dios ay hindi Niya pagkukulangin o pababayaan, siya ang magsusuply ng lahat ng ating pangangailangan.
Panghawakan po natin mga kapatid ang mga Salitang ito ng Panginoong Dios.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayong 2022 at ingatan sa lahat ng yugto ng ating buhay.. Purihin natin ang Dios!!!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top