What's new

Daily Bread (January 10 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"GOD WILL PROVIDE"
( Philippians 4:19)
And my God will supply every need of yours according to his riches in glory in Christ Jesus.
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Lahat ng nire-require ng Diyos para makasamba tayo sa kanya, para makalapit tayong mga makasalanan sa banal niyang presensiya, hindi rin pala sa atin manggagaling, ang Diyos din ang magbibigay.
God provides for everything necessary para tayo’y mabuhay... Hindi naman tayo makakasamba sa Dios kung tayo ay patay. Kaya para tayo ay mabuhay at tuloy tuloy na makasamba ipinoprovide Niya ang lahat ng ating pangangailangan.
Siya ang nagdudulot ng lahat ng ating pangangailangan, ng hininga, ng lakas, ng trabaho, ng lahat ng ating kakainin at lahat na ating kailangan.
Ibinigay niya rin ang ating kapwa para mabuhay tayo,
Hindi tayo mabubuhay sa daigdig na ito kung wala ang ating kapwa.
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kailangan natin ang isat isa para mabuhay, wala tayong bahay kung walang karpintero, walang maggupit ng buhok natin kung walang barbero, wala tayong kakainin kung walang farmers, at sa mga mayayaman na may mga kumpanya, hindi tatakbo ang negosyo ninyo kung wala kayong mga tauhan.. sa madaling salita naguugnay ang isat isa ayon sa kaloob sa atin ng Dios, God provides our needs at ginagamit Niya ang ating kapwa, kaya huwag tayong magmaliit ng ating kapwa, kung walang maliliit hindi rin tatakbo ng maayos ang buhay, hindi naman po pwedeng lahat tayo ay amo, umiinog ang mundo sa kalooban at kaparaanan ng Dios. Kaya nga isinama Niya yan sa Kanyang pinaka mahalagang utos, (Mateo 22:37-39) "37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili."
God provides our salvation. Kahit ang ating kaligtasan, ang Dios din ang nagkaloob, wala tayong maidadagdag na anuman para tayo maligtas ang Dios ang lahat ang gumawa, ang nagsakripisyo, ang nagbigay ng Kanyang kaisa isang Anak na si Hesus upang tayo ay maligtas. (Juan 3:16) "Gayon na lamang ang pag ibig ng Dios sa buong sanlibutan ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sa Kanya ay sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan." Ang gagawin lang natin ay tanggapin ang kaligtasang inaalok sa atin ng Dios, sampalatayanan natin na ang pagbibigay ng Dios sa Kanyang Anak at ang sakrisyo ng ating Panginoong Hesus Kristo sa krus ng kalbaryo ay sapat na at kumpleto na upang tayo ay maligtas... Mga kapatid God provides all our needs ang ating buhay, ang ating kapwa at ang ating kaligtasan.
Pagpalain tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top