What's new

Daily Bread (January 18 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" IWASANG MAKIPAGTALO"
(TITO 3:9)
Ngunit iwasan mo ang mga walang kwentang pagtatalo-talo, ang pagsusuri kung sinu-sino ang mga ninuno, at ang mga diskusyon at debate tungkol sa Kautusan, dahil wala itong naidudulot na mabuti.
MAPAGpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
HINDI Naman po masama ang marami tayong sauladong talata o maraming alam sa Biblia, sa katunayan ito nga ang nais naming mangyari bilang pastor sa lahat ng aming mga tunuturaan.
Ang hindi maganda ay yaong sinasaulo lang natin, ngunit hindi isinasapuso, at hindi ipinamumuhay ang mga Salita ng Dios na ating naririnig at nakakabisa
. Ang mga Salita ng Dios ay buhay kayat kailangan itong iaplay sa ating mga buhay. Huwag lang natin itong binabasa o sinasaulo, mas mainam na ipamuhay ito at makita sa atin ang kapangyarihan ng Salita ng Dios. Marami sa panahon ngayon na maalam sa Biblia, mahusay sa pakikipagdebate at pakikipagtalo tungkol sa pagpapaliwanag ng mga sitas ng Biblia. Subalit ipinamumuhay ba talaga nila ang Salita ng Dios.?
Mga magulang ko at kapatid iwasan natin ang pakikipagtalo tungkol sa Salita ng Dios, mas mainam at mas mabisa kung ang Salita ng Dios
ay nakikitang naghahari sa ating mga buhay. Ito ang maguudyok sa mga hindi mananampalataya
na sampalatayanan ang Salita ng Dios.
Ang kapangyarihan ng Salita ng Dios at ang Kanyang pagpapala ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top