What's new

Daily Bread (January 23 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"Ang Pagtitiis ng Cristiano"
(1Pedro 4:12-13)
12 Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. 13 Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magninilay ng mga Salita ng Dios.. Sino po sa inyo ang hindi pa nakararanas ng pagsubok sa pamumuhay Cristiano? Marahil lahat tayo ay dumaan na at may pinagdaraanang pagsubok sa buhay, mayroong mabibigat talaga na nahihirapan tayong batahin.
Mga kapatid sabi po ng ating talata, HUWAG TAYONG MAGTAKA SA MABIBIGAT NA PAGSUBOK NA ATING NARARANASAN NA PARA BANG HINDI PANGKARANIWAN.. Hindi po madali ang dumaan sa mabibigat na pagsubok, mga kapatid ang buhay Kristiyano ay may mga pagsubok at ito po ay normal na ating mararanasan dahil nakasulat po iyan sa Banal na kasulatan. Huwag po tayong magtaka sabi ng ating teksto sa talatang 13, SA HALIP MAGALAK KAYO SA INYONG PAKIKIBAHAGI SA MGA PAGHIHIRAP NI CRISTO.. Mga kapatid kapag may mabibigat na pagsubok pala tayong pinagdaraanan, ay dapat tayong magalak dahil nakikihati tayo sa hirap ng ating Panginoong Hesus.. Walang makababata ng hirap na pinagdaanan ng Panginoong Hesus noong Siya ay nagkatawang tao para sa ating kaligtasan, lalo na doon sa pahirap na inabot Niya sa Krus ng kalbaryo alang alang sa pagtubos sa ating lahat.. Katiting lang kung ikukumpara ang mga hirap natin sa hirap na dinanas ng Panginoong Hesus. Kaya kung may mga pagsubok tayo magalak po tayo, dadanas tayo ng maikling panahon lang na mga pagsubok pero ang kasunod noonn mga kapatid ay walang hanggang kagalakan, sabi ng last part ng ating teksto, UPANG MAGING LUBOS ANG INYONG KAGALAKAN KAPAG NAHAYAG NA ANG KANYANG KALUALHATIAN... AMEN GLORY TO GOD!!! .. Dahil nakihati tayo sa hirap ng Panginoong Hesus kahati Niya rin tayo sa Kanyang tagumpay at malulubos ang ating kagalakan, kapag nahayag na ang Kanyang kaluwalhatian, mahahayag din tayong mga mananampalataya at magiging kapiling natin ang Dios sa Kanyang kalualhatian.. Kaya kahit may pinagdadaanan tayo kumapit lang tayo sa Lord, kasama natin Siya sa bawat yugto ng ating buhay..
Muli ang biyaya at pagiingat ng Dios ay saating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top