What's new

Daily Bread (January 25 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"NAGBIBIGAY TAYO DAHIL TAYO AY NAGMAMAHAL"
Dahil walang nagmamahal na hindi nagbibigay.
Nagbibigay tayo sa Dios dahil mahal natin Siya.
(Mateo 22:37)
Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos.
Magbigay tayo dahil Siya ang unang umibig sa atin
Magbigay tayo dahil tayo ay iniligtas ng Dios
Magbigay tayo dahil iniingatan Niya tayo sa masasama
Magbigay tayo dahil napakaraming bagay na ginawang mabuti sa atin ang Dios.
Hindi tayo nagbibigay para bayaran o tumbasan ang mga ginawa ng Dios sa atin, kundi dahil mahal natin Siya, at ang pagbibigay ay isang pagkilos ng pagsamba.
Ang ikalawang uri ng pagbibigay na nagpapakita ng pagmamahal ay ang pagbibigay natin sa ating kapwa
(Mateo 22:38)
Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
. kung tumanggap ka ng maraming pagpapala, pagpalain mo rin ang iyong kapwa
. kung tumanggap ka ng kaligtasan ibahagi mo din ito sa iba.
Mga magulang ko at kapatid ang Dios ang unang umibig sa atin at Siya din ang unang nagbigay, tayo naman ang tumanggap, marapat lamang na ibahagi po natin ito sa iba bilang pagpapamalas ng ating pagibig sa ating kapwa at sa Dios.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top