What's new

Daily Bread (January 4 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" SA PANGANIB, BITAG AT SALOT"
(AWIT 91:3)
"Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,
at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas."
MAPAGPAlang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kapag sinabi pong panganib ito po ay patungkol sa mga aksidente, o sakuna, ibig sabihin ng ating talata ay ligtas tayo sa panganib, iniingatan tayo ng Dios, hinahadlangan Niya ang anomang banta ng panganib na maaari nating makaharap, kaya lagi tayong humingi ng patnubay at pagiingat sa Dios, bago pumunta ng trabaho, o umalis ng bahay o kahit nasaan lugar man tayo manalangin tayo ng Kanyang pagiingat at pagliligtas.
Pangalawa ay "bitag" ililigtas tayo sa bitag, kapag sinabi pong bitag ito po ay pakana, may nagplano na bitagin tayo, mga manloloko, mga mapanlamang sa kapwa, sisiluin tayo ng kanilang bitag.. ang sabi ng ating talata ililigtas din tayo ng Dios dito, sa panahong ito na nagkalat ang mga taong ang hangad ay manloko ng kapwa sisiluin ka sa matatamis na salita, mga budol budol, kung tayo ay nasa patnubay ng Dios at laging nakatuon sa Kanyang presensiya iligligtas Niya tayo sa mga ganitong bitag o pakana ng kaaway. Bibigyan tayo ng Dios ng katalinuhang makilala ang mga taong ating makakaharap, magbibigay Siya ng babala upang maingatan tayo.
At pangatlo ay "kahit anomang matinding salot ay di ka magdaranas" binigyang diin yung kahit ano mang matinding salot ay di tayo magdaranas, tayong naghahangad ng pagkupkop at pagiingat ng Dios at buong pusong nagtitiwala at nanganganlong sa Kanya ay iingatan ng Dios.. kahit ang matinding salot ay di natin mararanasan.. sabi po yan ng ating talata, panghawakan po natin yan kasabay ng ating ibayong pagiingat. Tunay na ang mga anak ng Dios na buong pusong nagtitiwala sa Kanya ay ligtas sa anomang panganib, sa lalang na bitag ng kaaway, at iingatan at poprotektahan ng Dios sa anomang matinding salot. Kung nagtitiwala ka sa kapangyarihan ng Dios panghawakan mo ang Kanyang mga Salita at ang Kanyang mga pangako.
Ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top