What's new

Daily Bread (March 31 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(HEBREO 13:6)
"Kaya't malakas ang loob nating masasabi,
"Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
hindi ako matatakot.
Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli. po tayong magnilay ng mga Salita ng Diyos.
Totoo ngang ang Diyos ang tumutulong sa atin.. . Ngunit hindi ito nangangahulugang hindi na Niya tayo padadanasin ng mahihirap at mapanganib na sitwasyon. Isang halimbawa ay noong isama ni Jesus ang mga alagad sa bangka kahit alam Niyang may namumuong bagyo; natakot ang mga alagad ngunit pinayapa ni Jesus ang unos (Mateo 8:23-27). Ipinapakita nito na magagawa nating harapin ng may lakas ng loob kahit ang pinaka mapanganib na sitwasyon kung kasama natin ang Diyos at kung tayo ay namumuhay ayon sa Kanyang kalooban.
Hindi mabilang ang mga pagkakataon na pinangunahan ng Diyos ang Israel sa mga pakikipagdigma nito laban sa mas marami at malalakas na hukbo subalit lagi silang nagwawagi tuwing sila ay nagtitiwala at sumusunod sa Diyos (tingnan ang mga kabatang 6 at 8 ng Josue para sa mga halimbawa). Sinasabi sa atin ni Jesus ang ganito, "Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan" (Juan 16:33)
Sa pagtatapos, hindi mahalaga ano man ang ating mga pinagdadaanan. Ang pinakaligtas na lugar ay ang mamalagi tayo sa sentro ng kalooban ng Diyos sapagkat nangako Siya sa atin na Siya ay ating magiging kanlungan: "Sapagkat sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan ni pababayaan man." Kaya't buong tapang nating masasabi, "Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?" (Hebreo 13:5-6).
Pagpalain po tayo ng Diyos ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Ver.


(HEBREWS 13: 6)
“So we can boldly say,
“The Lord helps me,
I will not be afraid.
What can man do to me? ”
A blessed day to all of us brothers and sisters again. let us meditate on the Words of God.
It is true that God helps us. But this does not mean that He will not let us have difficult and dangerous situations. One example is when Jesus took the disciples into the boat even though He knew a storm was brewing; the disciples were afraid but Jesus calmed the storm (Matthew 8: 23-27). It shows that we can face even the most dangerous situations with courage if God is with us and if we live according to His will.
There were countless times when God led Israel in its wars against larger and more powerful armies but they always won whenever they trusted and obeyed God (see Joshua chapters 6 and 8 for examples) . Jesus tells us, "I have told you this so that you may have peace in me. You will have tribulation in this world, but be strong! I have overcome the world" ( John 16:33)
In the end, it doesn’t matter what we go through. The safest place is for us to be at the center of God's will because He has promised us that He will be our refuge: "For God has said," I will not leave thee, nor forsake thee. "So we can boldly say," The Lord helps me, I will not be afraid. What can man do to me? ”(Hebrews 13: 5-6).
God bless us now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top