What's new

Daily Bread (March 4 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"TAYO'Y KANYANG PINAGALING AT PINATAWAD"
(ISAIAS 53:4-5)
“Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman.Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.
5 Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Tayo ay napakaraming kahinaan at lahat tayo ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.. Subalit salamat sa Panginoong Hesus, pinalalakas Niya tayo at inalis sa ating mga kahinaan, napakarami ng mga pagbabago sa ating buhay ang ating naranasan mula ng tinanggap natin ang ating Panginoong Hesus.. Salamat sa Kanyang pagliligtas hinango Niya tayo sa ating mga kahinaan. Pinagaling Niya rin ang ating mga karamdaman, karamdamang pisikal, pinansiyal emosyonal at higit sa lahat karamdaman ng ating kaluluwa. Sino sa inyo ang nakaranas ng kagalingan buhat sa Dios? Purihin natin Siya dahil Siya ang ating dakilang manggagamot... Tiniis Niya ang lahat ng hirap alang alang sa ating kaligtasan at mga karamdaman. Sabi ng (1PEDRO 2:24) 24 " Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling." Akala ng iba pinarusahan Siya ng Dios subalit ang totoo dahil sa ginawang ito ng Panginoong Hesus ay nagkaroon tayo ng kaligtasan. Sabi sa talatang 5,Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas Niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.... Mga kapatid dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nabugbog at nasugatan, kung hindi Niya ginawa ito hindi tayo magkakaroon ng kaligtasan at kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan, Purihin natin ang Panginoong Hesus at pasalamatan dahil pinalaya Niya tayo, pinatawad at pinagaling... Kapatid nanampalataya ka na ba sa Panginoong Hesus bilang iyong tagapagligtas at dakilang manggagamot. Manalangin ka ng panalanging ito..
Panginoong Hesus marami pong salamat sa lahat ng iyong sakripisyo para lang ako ay maligtas.. Nananampataya po ako na ang iyong ginawa doon sa Krus ng kalbaryo ay sapat at kumpleto na upang ako ay maligtas, tinatanggap ko po ang kaligtasang iniaalok mo sa akin, pagharian mo po ang aking buhay..at turuan Mo po akong laging magtiwala sa Iyong mga Salita.. Ito ang aking dalangin sa makapangyarihan Mong Pangalan. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top