What's new

Daily Bread (March 5 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAYROON PA BANG IBANG DAAN NG KALIGTASAN MALIBAN KAY KRISTO?"
( JUAN 14:6)
"At sinabi ni Hesus, ako lamang ang daan ang katotohananan at ang buhay, walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko."
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng buhay... Kung ang Panginoong Hesus ang nagsabi na walang ibang daan patungo sa Ama ito ay ating dapat na paniwalaan... Maraming tao na parang hindi pa kuntento at hindi lubos na pinaniniwalaan na si Kristo lamang ang tanging daan ng kaligtasan at wala ng iba.. Kung kayo po ang tatanungin, may iba pa po bang daan ng kaligtasan maliban sa Panginoong Hesus.? ..Bakit marami pa rin ang nagaalinlangan kay Kristo bilang ating tagapagligtas.?
Mga kapatid tiyakin nyo po sa inyong sarili kung sino o ano po ba talaga ang daan patungo sa langit?.. Ang desisyon na tanggapin o tanggihan si Hesus bilang Tagapagligtas ang pinakamahalagang desisyon na maaaring gawin ng isang tao sa kanyang buhay. Bakit maraming tao ang pinipili na tanggihan si Kristo bilang Tagapagligtas?
Ito po ang pangunahing dahilan.. Inaakala ng iba na hindi nila kailangan ang Tagapagligtas. Itinuturing ng mga taong ito ang kanilang sarili na mabubuti silang tao at ito ay makapagliligtas na sa kanila.. , subalit sila rin ay makasalanan at hindi tatanggapin ng Diyos sa kanilang likas na kalagayan. Ngunit sinabi ni Hesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6). Ang mga taong tinatanggihan si Hesus ay hindi makatatayo sa harapan ng Diyos at hindi magtatagumpay sa pagtatanggol sa kanilang sariling mga gawa. Yan po ang sinasabi sa ( Efeso 2:8-9) " Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman."
Mga kapatid wala na pong ibang daan kundi ang Panginoong Hesus, manampalataya po tayo sa Kanya at maliligtas po tayo. Huwag po tayong manangan sa ating sarili, dahil wala po kahit sino sa atin ang makapagliligtas ng kanyang sarili. Magtiwala tayo sa ginawa ng ating Panginoong Hesus na ito ay sapat na at kumpleto para sa ating kaligtasan.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top