What's new

Daily Bread (November 1 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"SI YAHWEH ANG TUMITINGIN"
(AWIT 3: 5)
Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Tayong mga anak ng Dios ang dapat na pinaka payapang nabubuhay sa daigdig na ito. Bakit po? Dahil may Dios na nagiingat sa atin at tumitingin. Tayo ay may Dakilang Tagapag-ingat at ito ay walang iba kundi ang ating Dios. Napakaganda ng ating talata, tayo ay nakakatulog at nagigising, at buong gabi si Yahweh ang sa atin ay tumitingin. Napakasarap isipin na may nagbababantay sa atin sa lahat ng oras tulog man tayo o gising.. Maraming tao ngayon dahil sa dami ng alalahanin at iniisip ay hindi makatulog, gising ang diwa at nagiisip ng nagiisip.. kaya lang kahit isipin ng isipin ang mga takot at suliranin hindi rin naman nalulutas. Kapag gising naman ay wala ring kapayapaan at balisang balisa din.. Ang dahilan wala ang Dios ng kapayapaan sa kanilang puso... Tanging ang Dios lamang ang makapagdudulot sa atin ng kumpletong kapayapaan. At si Kristo ang ating Panginoong Hesus.,ang pinagmumlan ng kapayapaan ng mga Kristiyano.(Isaias 9:6) Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan” Kapag may kalungkutan pagsubok at mga problema humingi tayo ka Kristo ng kapayapaan dahil Siya ang pinagmumulan ng Kapayapaan.. (Filipos 4:6-7)
6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Hesus.
Ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top