What's new

Daily Bread (November 15 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAHALAGA KA KAYSA MGA MAYA"
(MATEO 10: 29-39)
Hindi ba’t ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo’y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.
MApagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang takot ay laging kakabit ng buhay ng maraming tao lalo na kung nasa oras ng kagipitan at mabibigat na pagsubok. Pinaparalisa ng takot ang ating pananampalataya, pinahihina ang ating loob at winawasak ang pagtitiwala natin sa Dios.
Ano ang ginamit na halimbawa ng Panginoong Hesus para labanan natin ang takot o pag aalala? ... Inihambing niya tayo sa mga maya, bagamat ang maya ay halos walang halaga hindi sila pinababayaan ng Dios... Karaniwan ang ating kinatatakutan ay kung ano ang magiging bukas, ano ang mangyayari sa hinaharap,.. Pero alam ng Dios ng lahat ng nangyayari sa Kanyang mga anak. Sabi ng ating talata, maging ang buhok natin sa ulo ay bilang Niyang lahat. Ibig sabihin lahat ng aspeto at detalye ng ating buhay ay batid ng Dios. Kaya ang sabi ng Panginoon huwag tayong matakot higit tayong mahalaga kaysa sa mga maya.
Hindi ipinangako ni Kristo na aalisin niya ang mga hamong nagpapahirap sa buhay, pero hindi niya hahayaang malunod tayo sa “mga ilog” ng problema, o matupok “ng liyab” ng mga pagsubok. Tinitiyak niyang sasaatin Siya at tutulungan tayong malampasan ang mga hamon ng buhay. Ano ang gagawin ni Yahweh? Tutulungan niya tayong daigin ang takot at makapanatiling tapat sa kaniya, kahit manganib pa ang ating buhay. (Isa. 41:13)" Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo.Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’" (Isaias 43:2) "Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok."
Kaya mga kapatid huwag po tayong matakot kasama po natin ang Dios sa bawat yugto ng ating buhay, kapit lang kay Lord hindi ka Niya bibitiwan.
Pagpalain tayong lahat ng Dios, ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top