What's new

Daily Bread (November 17 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"TUTULUNGAN KA NG DIOS"
(JEREMIAS 29:13)
"Kung lalapit kayo sa akin ng buong puso tutulungan ko kayo."
MAPAgpalang araw sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Madalas ang tao ay lumalapit lang sa Dios kapag dumarating ang mahigpit na pangangailangan... Kapag may sakit at malala na, kung may mabigat na problema, at kapag hindi na kayang solusyunan ang sitwasyong nararanasan.
Ito nga kaya ay taos pusong paglapit sa Dios? Dahil kapag maaliwalas at maayos ang takbo ng buhay, hindi na naalala ang Dios ng marami sa atin.. Ang Dios ay hindi lamang takbuhan sa panahon ng ating pangangailangan. Mas higit siyang malulugod kung lumalapit tayo sa Kanya na handog ang ating mga papuri at pagsamba.. Batid naman ng Dios ang lahat ng laman ng ating puso, kung malungkot tayo o masaya, o kung may mabigat tayong problema. Kaya lumapit tayo sa Dios na hindi lamang suliranin ang ating daladala at isinasamo. Lumapit tayo sa Kanya ng buong puso at pasasalamat kaakibat ang ating pagsamba at pagdaing.. Dahil anoman ang sitwasyon ng ating buhay tutulungan tayo ng Dios at diringgin, at hindi Niya tayo bibiguin. Mga kapatid kung lalapit tayo sa Dios sa anomang kaparaanan, hinding hindi Niya po tayo itataboy. Sabi ng ating Panginoong Hesus sa (Juan 6:37)," Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin, at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy."
Sumaating lahat ang biyaya at pagpapala ng Dios ngayon at magpakailanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top