What's new

Daily Bread (November 18 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO"
( ISAIAS 46:4)
"Ako ang iyong Diyos iingatan ko kayo
hanggang sa pumuti ang inyong buhok
At kayoy tumanda, Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin kong kayo ay iligtas at laging kalingain" .
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Napakagandang malaman natin, na may Dios na nagiingat sa atin hanggang sa pagputi ng ating buhok at ating pagtanda... Marami rami na rin akong puting buhok, at marami na rin akong nararamdaman sa aking katawan bilang tanda na hindi na ako bumabata. Ngunit isang bagay po ang napatunayan ko mga kapatid, mula sa aking pagsilang magpahanggang ngayon ay iniingatan ako ng Dios. Marahil kung hindi Niya ako iniingatan wala na ako sa daigdig na ito... Tayong lahat dapat nating kilalanin at tanggapin na hindi po tayo mabubuhay sa daigdig na ito kung hindi tayo iniingatan ng Dios.. Siya ang nagsusuply ng lahat ng ating pangangailangan maging ng ating hininga.. Kaya naman dapat natin Siyang purihin at pasalamatan sa kahangahangang ginawa Niyang pagiingat sa atin... Bakit po tayo iniingatan ng Dios at kinakalinga? Dahil po tayo ay Kanyang likha.. sabi po sa dakong huli ng ating talata, "Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin Kong kayo ay ingatan, iligtas at laging kalingain.
Mga kapatid kung ikaw ay likha ng Dios, iingatan ka Niya. Huwag mong isipin na pinababayaan ka ng Dios,tungkulin ng Dios na kalingain ka at iligtas dahil ikaw ay Kanyang nilikha. Mahal tayo ng Dios at hindi Niya pababayaan ang Kanyang mga anak. "KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK NATIN IINGATAN TAYO NG DIOS. "
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top