What's new

Daily Bread (November 19 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"MAGING MATAPAT"
(Kawikaan 28:20)
Ang taong tapat ay mananagana ,ngunit parurusahan ang yumayaya sa pandaraya.
Mapagpalang araw po mga kapatid muli po tayong magnilay ng salita ng Dios..
Sa panahon ngayon may masumpungan pa kayang tapat ang Dios?
Mas marami yata ang hindi tapat kaysa sa tapat.
Marami na ang hindi tapat ngayon sa daigdig na ito, at marahil maging sa loob ng iglesia.
Napakaraming mga talata tayo na mababasa sa Biblia tungkol sa katapatan ngunit ang ang talata sa Kawikaan 28:20 ang may diin na ang katapatan ay ang susi ng pagpapala.
May dalawang uri ng pagpapala sa kabuuan,
. Ang una ay ang tinatawag nating (common blessings.)
Hal. Ulan,araw,mga pagpapala ng kalikasan...tapat man at hindi tapat ay makararanas ng pagpapalang yan ng Dios.
(Mateo 5:45) " Kung gagawin ninyo ito, magiging tunay na anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat hindi lang sa mabubuting tao niya pinapasikat ang araw kundi pati na rin sa masasama.".
. Ang pangalawang uri ng pagpapala ay tinatawag na (Unique blessings))
Ito ay mga espritual na pagpapala na ang tanging makatatanggap lamang ay ang mga taong nagtatapat sa Dios o mga taong matapat.
Upang dumaloy ng sagana ang pagpapala ng Dios sa ating buhay kailangan nating maging matapat... .hindi dadaloy ang pagpapala sa mga taong hindi matapat ,sa halip mababarahan ang mga pagpapalang dapat sana ay ating matatanggap,..saliksikin natin ang ating mga sarili naging matapat ba ako ?
Naging matapat ba akong anak ng Dios.?
Tignan natin at suriin ang ating mga sarili ,naging matapat ba ako sa Dios at sa kanyang salita,? Ako ba ay loyal sa aking Iglesia na kinaaniban? Ako ba ay tapat sa aking pamilya? Ako ay naging mabuting katiwala sa mga pagpapala ng Dios ? At ako ba ay matapat sa aking pinagtatrabahuhan at nagttatrabaho para sa akin.?
Ang susi ng pagpapala ay laging nasa pagsunod at katapatan natin bilang mga Anak ng Dios.
Pagpalain po tayo ng Ating Panginoong Hesu Kristo ngayon at magpakailanman, Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top