What's new

Daily Bread (November 22 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
"PAGKATAKOT SA PANGINOON"
(Awit 111:10). "Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man."
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios..
Talakayin natin mga kapatid ang kahalagahan at bunga ng pagkatakot sa Panginoon.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagdadala ng maraming pagpapala at benipisyo.
1. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan at ng mabuting pangunawa .
(Awit 111:10). "Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man."
*Tanging mga hangal lamang ang tumatanggi sa karunungan at disiplina (Kawikaan 1:7). 7 Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan upang maituwid ang kanyang pag-uugali.
2. Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagbubunga ng
a ). buhay (Kawikaan 14:27) Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, Upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
b ).kapahingahan ( Kawikaan 19:23)
Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; At ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: Hindi siya dadalawin ng kasamaan.
c).kapayapaan (Kawikaan 14;26) Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan.
Mga kapatid dapat nating ipaalam sa iba na ang pagkatakot sa Panginoon ay dapat maranasan ng lahat ng tao.
Kaya nga, nararapat na himukin ang lahat na magkaroon ng pagkatakot sa Panginoon.
Magkaroon po tayo ng banal na pagkatakot sa Dios upang dumunong po tayo at magkaroon ng payapang buhay.
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top