What's new

Daily Bread (November 8 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" LAGING SARIWA"
(Mga Awit 1:2-3)
2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
3 Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid.. . Ang isang mananampalatayang laging nagbubulay ng Salita ng Dios at laging nananalangin ay laging sariwa, hindi nalalanta.. Dahil Salita ng Dios at ang Kanyang presensiya ay nagpapabata o nagpapaganda, kaya laging maningning at maliwanag ang mukha ng mga anak ng Dios. Kung tayo ay nagninilay ng Salita ng Dios araw at gabi, ang magiging katulad natin ay isang puno na nakatanim sa tabi ng ilog o batis, ang ating mga ugat ay laging may nasisipsip na sariwang tubig kaya hindi tayo malalanta at nananatiling sariwa. At higit sa lahat laging sagana sa tuwing panahon ng kanyang pamumunga.. Kumusta na po kayo mga kapatid,? pakiramdam nyo po ba ay bumabata kayo o lumalakas sumasariwa at gumaganda? ... alam na po natin ang sagot kung bakit? Dahil babad tayong lagi sa Salita at presensiya ng Dios.
Purihin ang Dios, pagpalain Niya tayong lagi ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top