What's new

Daily Bread (October 14 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
DIOS NA WALANG HANGGAN
(Mga Awit 90:2)
Siya ang Dios magpakailanman, wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nalalalang, hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, ikaw noon ay Dios na, pagkat Ika'y walang hanggan.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Saan nga ba nagmula ang Dios? Mayroon ba Siyang pinanggalingan? At mayroon ba Siyang katapusan? ... Napakalinaw po na sinasabi ng ating talata, ang Dios ay walang hanggan.
Ano po ang sabi ng ating talata? Siya ang Dios magpakailanman.? Kung magpakailanman ang Kanyang pagka Dios, Siya ay walang simula at wala ding wakas. Dahil wala pa ang mga bundok, hindi pa Niya nalalalang ang buong sandaigdigan Siya ay Dios na. Mga magulang ko at kapatid dahil ang Dios po ay walang hanggan at dahil Siya po ang may likha ng lahat ng bagay na ating nakikita at hindi nakikita, marapat lamang na Siya ay ating sambahin at dakilain. Huwag nating sambahin ang Kaniyang mga nilika lamang.. ( Roma 1:25)
"25 Tinalikuran nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen."
Ang Dios ang ating Sambahin dahil Siya ang tunay na Dios at Dios na walang hanggan.
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top