What's new

Daily Bread (October 21 2021)

Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,243
Reaction
3,962
"WALANG LABIS WALANG KULANG"
(AWIT 19:7-8)
Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan. Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran, ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban. Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kanino at saan po tayo tumatakbo sa panahon ng Crisis? Kapag nasa trahedya? Kapag may malaking unos sa buhay?
Kapag nangangailangan tayo ng kasagutan sa ating mga tanong mayroon po tayong tanging maaasahah na mapagkukunan natin ng katugunan at ng ating kalakasan, ito po ay ang mga Salita ng Dios, kaya napakahalaga po na tayo ay nagninilay ng Salita ng Dios.. Basahin po ninyo ang Biblia araw araw mga kapatid, narito po ang kasagutan sa lahat ng ating mga katanungan sa buhay. Ito lamang ang tanging maasahan natin dahil ang Salita ng Dios ay walang labis walang kulang.
Sa aklat ng Josue 1:1-5 Mababasa natin na namatay na si Moses at naiwan kay Josue ang pangunguna sa bansang Israel..Namalas ni Josue kung gaano kahirap pangunahan ang mga taong ito, nakita niya kung paano sila mag reklamo, magrebelde at maging suwail hindi lang kay Moses kundi sa Dios. Marahil puno ng takot si Josue at agam agam kung ano ang kanyang gagawin..Subalit ginawang sandigan ni Josue ang Salita ng Dios, binabasa niya ito araw at gabi.. at dahil dito matagumpay niyang naitawid sa lupang pangako ang mga Israelita, ang bayan ng Dios.
Lahat ng bagay na nauuso ay tiyak na malalaos..Subalit may isang mananatili at ito ay hindi malalaos kahit kailan, at ito ay ang Salita ng Dios.. Ang langit at ang lupa ay lilipas ngunit ang Salita ng Dios ay mananatili magpakaylanman.
MAGKAROON PO TAYO NG MAALALIM NA PUNDASYON SA SALITA NG DIOS,DAHIL HINDI NATIN ALAM KUNG KAILAN DARATING ANG MGA MABIBIGAT NA PAGSUBOK,KUNG ALAM MO ANG SALITA NG DIOS ,KUNG BINABASA MO ANG KANYANG MGA SALITA AT PINANG HAHAWAKAN MO ITO HINDI KA MATITINAG NG ANUMANG BAGYO NG BUHAY IKAW AY MAGIGING MATATAG AT NAKAUGAT SA KANYANG MGA SALITA. HIGIT SA LAHAT IPAGKATIWALA MO ANG IYONG BUHAY SA PANGINOONG HESUS,....NA KAY HESUS ANG TUNAY NA KAPAHINGAHAN...SABI NI HESUS COME TO ME AND I WILL GIVE YOU REST....NASA KANYA LAMANG ANG KATIYAKAN NG KALIGTASAN NA HINDI MAIBIBIGAY NG SANLIBUTANG ITO.
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Online statistics

Members online
1,611
Guests online
1,209
Total visitors
2,820

Forum statistics

Threads
1,235,390
Posts
21,671,397
Members
1,616,924
Attachments
1,740,768
Profile posts
100,344
Top