What's new

Daily Bread (September 19 2021)

Pamintangdurog04

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
1,085
WALANG IMPOSIBLE SA DIOS!
Sapagkat walang imposible sa Dios.”
(Lucas 1:1-13)
MAgandang araw po ng Linggo mga kapatid muli tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Mayroon bang mahirap sa Dios? Mayroon bang bagay na hindi Niya kayang gawin?
(MATEO 19:26) "Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”... Napakaraming himala ang ginawa ng Panginoong Hesus na hindi kayang gawin ng tao, katulad ng pagpapakain sa limang libo.
(Juan 6:10-13)
10 Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo. 11 Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya ito sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga nila sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa sa mga isda, ito ay ipinamahagi gaano man ang kanilang ibigin.
12 Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis na bahagi upang walang masayang. 13 Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bakol ng bahaging mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga kumain.
Walang sinumang tao sa kasaysayan ng mundo ang nakagawa ng ganitong himala.. Limang libong kalalakihan ang pinakain sa pamamagitan lamang ng limang tinapay at dalawang isda.. Kung ibibilang ang mga bata at babae nasa mahigit sampung libong tao ang pinakain ng Panginoong Hesus dito.. Imposible, pero kay Hesus ang lahat ng bagay ay posible.. May pinagdaraanan ka ba ngayon na sa tingin mo ay imposible ng magkaroon ng kasagutan at solusyon.. Ilapit mo at idalangin mo yan kay Hesus, walang bagay na mahirap sa Kanya.. Ang hindi magagawa ng tao ay kayang kaya Niyang gawin.. Gaano ba kalaki ang iyong problema?Manampalataya ka sa Panginoong Hesus at ang bagay na sa tingin mo ay imposible ay magiging posible sa Kanya... Kung nagawa Niyang pakainin ang limang libong lalaki hindi pakasama ang mga babae at bata sa bilang, sa pamamagitan lamang ng dalawang isda at limang tinapay.. Mas higit niyang kayang bigyan ng solusyon ang iyong mga suliranin at ang iyong mga dalahin, kayang kaya ng Dios yan.. Ang kailangan lang ay manampalataya ka sa Kanya. Magtiwala ka na magagawa Niya ang lahat ng bagay dahil walang imposible sa Dios.....
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus... Amen!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top